LJ umaming natatakot sa 'new normal' ng Pinas dahil sa COVID-19  | Bandera

LJ umaming natatakot sa ‘new normal’ ng Pinas dahil sa COVID-19 

Ervin Santiago - May 08, 2020 - 08:01 AM

“NAKAKATAKOT!” Yan ang nararamdaman ngayon ng Kapuso mom na si LJ Reyes sa pagharap ng buong bansa sa “new normal” dulot ng COVID-19 pandemic.

Siguradong matagal-tagal na adjustments ang pagdaraanan ng lahat sa pagtatapos ng enhanced community quarantine at ayon mismo sa gobyerno hindi ito magiging madali.

Maraming bagay daw ang dapat asahan na magbabago dahil sa patuloy na paglaganap ng killer virus sa buong mundo.

Bukod sa maraming pagbabago sa larangan ng ekonomiya, kalusugan, at marami pang aspeto, naniniwala si LJ na hindi magiging madali ang mga pagdadaanang pagbabago na ito. 

Ayon pa sa Kapuso actress, wala man daw kasiguruhan ang kinabukasan at nakakatakot mang isipin ang mga bagay sa hinaharap, mahalaga pa rin daw ang tanawin ang pag-asa at manatiling positibo para sa ating mga pamilya at mahal sa buhay.

 “Any change naman is very fearful na harapin kasi hindi natin sure what would be the outcome, what’s gonna happen next? 

“Pero you know you always hold on to the hope na siyempre as long as we follow, we’re gonna be okay. We’re hoping that we’re not gonna catch the disease so we’re healthy, our family is safe,” ani ni LJ sa interview sa GMA. 

Isa ang partner ni Paolo Contis sa mga nagtaguyod ng “Project: Alalay Kay Nanay” na isang donation drive para matustusan ang basic needs ng mga babies gaya ng vitamins, food, at hygiene. 

Kasama ni LJ sa naturang project ang ilan pang celebrity moms na sina Iya Villania, Camille Prats, Chynna Ortaleza, Pauleen Luna, Chariz Solomon at Isabel Oli.

* * *

Isa na namang achievement ang na-unlock ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose para sa bago niyang single na may pamagat na “Better.”

As of this writing kasi ay umabot na ito sa higit 100,000 streams sa Spotify! 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Less than two weeks pa lang ng i-release ang kanta niyang ito pero agad na siyang tinangkilik ng mga fans at listeners. 

Samantala, kahit stuck sa bahay dahil sa ipinatupad na Luzon-wide lockdown, walang tigil ang Kapuso star sa pagtulong sa frontliners at mga apektado ng pandemiya sa mga donasyong ipinaabot niya sa GMA Kapuso Foundation’s Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending