"New normal" sa mga tanggapan inaprubahan ng IATF | Bandera

“New normal” sa mga tanggapan inaprubahan ng IATF

Bella Cariaso - May 07, 2020 - 11:16 PM

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang interim guidelines na isinumite ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay ng pagbabalik ng mga empleyado sa kani-kanilang trabaho sakaling alisin na ang enhanced community quarantine (ECQ) at ipatupad ang general community quarantine (GCC).

“Ito po iyong new normal, kung anong mangyayari doon sa mga lugar na pinagtatrabahuhan natin. Kinakailangan po magkaroon ng alternative work arrangements – iyong working hour shifts, iyong work-from-home kung pupuwede po at saka iyong pagtatrabaho on a rotation basis,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nakatakdang magtapos ang ECQ sa Metro Manila, Region 3, Calabarzon area at iba pang lugar sa Mayo 15.

 

“Kinakailangan po nagsusuot po ng face masks, ang mga meeting po ay kinakailangan mayroong minimum number of participants para masiguro po ang social distancing, at kung pupwede, ang mga pagpupulong ay gawin na lang via video conferencing,” ayon pa kay Roque

“Iyong mga tables po natin sa ating mga pinagtatrabahuhan eh ayusin po natin sa pamamaraan na magkakaroon ng physical distancing at kung pupuwede magkaroon po ng barriers in between tables,” paliwanag pa ni Roque.

Idinagdag ni Roque na kabilang sa mga dapat upatupad ng mga kompanya sa ilalim ng ‘new normal’ ang mga sumusunod:

 

  • Iyong mga work stations’ lay out ay dapat idisenyo para magkaroon ng isang direksiyon lamang papuntang aisles, corridors or walkways.
  • Dapat limitahan ang mga tao na nasa enclosed spaces kagaya ng kuwarto, tindahan at hall para sa physical distancing.
  • Kailangang i-limit ang sakay ng mga elevators para magkaroon ng one-meter physical distancing.

 

  • Ini-encourage ang paggamit ng hagdanan. Kung mayroon dalawang stairways na accessible, iyong isang stairway ay gamitin pataas at iyong isa naman ay gamitin pababa para magkaroon ng social distancing.

 

  • Hinihikayat din ang  online system para sa mga kliyenteng nangangailangan ng mga assistance mula sa mga opisina, kasama na ang video conferences.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending