Stuntman na senior citizen nanghingi ng ayuda kay Coco | Bandera

Stuntman na senior citizen nanghingi ng ayuda kay Coco

Reggee Bonoan - May 07, 2020 - 05:40 PM

NA-STROKE ang asawa ng stunt director na si Reynaldo Cristobal o mas kilala bilang Rey Solo sa mundo ng showbiz.

Parehong senior citizen ang mag-asawa kaya humihingi ng tulong na sana’y mabigyan sila ng ayuda para pambili ng gamot o kaya’y madalhan sila sa kanilang bahay dahil nga hindi sila makalabas dahil ipinagbabawal ang paglabas ng senior citizen sa Maynila.

Aminadong nakatanggap na sila ng relief goods pero hindi ito sapat at ang importante pa ay ang mga gamot nila sa araw-araw.

Gustung-gusto nang magtrabaho ni Manong Rey pero dahil sa ipinatupad na ECQ ay natigil ang taping niya partikular sa FPJ’s Ang Probinsyano.

At heto nga’t dumagdag pa sa problema nila ang pagsasara ng ABS-CBN. Ipinatigil na noong Martes ng gabi ang operasyon ng networl dahil sa cease and desist order ng National Telecommunication Commission.

Kilala sa showbiz si Manong Rey dahil abot 40 taon na siya sa industriya. Nagsimula siyang magtrabaho sa ABS-CBN sa sitcom na Bida si Mister, Bida sa Misis (2002) nina Maricel Soriano at Cesar Montano.

Aniya, “Napakahirap po nang di lumalabas ng bahay lalo na kung nasanay ka noon na araw-araw nasa taping nasa shooting, pagkatpos ngayon naandito ka lang di ka makalabas ng bahay, eh dadalawa lang kami ng misis ko dito, anak ko naman nasa kabilang bahay. Mahirap para amin na senior citizen.”

Bagama’t hikahos ay iniisip din ni Manong Rey ang kapwa niya mga stuntman na wala ring pagkukunan ng ikabubuhay ngayon kaya umaapela sila sa gobyerno.

“Sa ngayon hindi ko po masabi ‘yung ibang mga kasama ko kung ano ang mga nangyayari sa kanila, tulad ko na walang trabaho. Sana madinig din ng gobyerno na tulungan ang mga stuntman at mga manlalabas sa pelikula na wala nang ginagawa,” sabi pa ng stuntman.

Sana raw ay makarating kay Coco Martin ang hinaing niya at ng mga kapwa niya stuntmen na matulungan sila sa panahon ng pandemic.  

Nangako naman siya na kung ano ang magagawa niyang balik para kay Coco ay gagawin niya.

Sabi pa ni Manong Rey, “Hindi na po kami nagkita simula nu’ng cast party ng Probinsyano. Direk Coco, pagka kailangan mo sa sa mga susunod pang araw, sana isama mo ako sa mga project mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala sa mga gustong makatulong o makausap si Manong Rey ay ito po ang kanyang contact number +63 927 361 6826.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending