KATHERINE LUNA ibinenta ng sariling INA; COCO MARTIN wagi sa DNA TEST | Bandera

KATHERINE LUNA ibinenta ng sariling INA; COCO MARTIN wagi sa DNA TEST

Jobert Sucaldito - August 13, 2013 - 03:00 AM


MARAMI ang naloka sa balitang mismong ina ni Katherine Luna na si Chato Eson ang nagdala sa sinasabing anak ni Coco Martin for reasons na siya lang ang nakakaalam.

Di ba’t matagal nang nabalitang may anak si Coco sa mahusay na sexy actress ngunit balita ring hindi ito sinusuportahan ng aktor kaya ayaw na raw ipakita ni Katherine sa kanya ang bata.

Pero nakati-katihan ng ina nitong si Chato na bitbitin ang anak nito sa shooting ni Coco sa Luneta – malapit lang yata sa kanila ang lugar dahil the last time we heard ay sa San Andres lang nakatira sina Katherine.

Anyway, nagyakapan daw sina Coco at ang bata. Nag-usap at maya-maya pa ay nabalitaan na lang na binigyan ni Coco si Chato ng certain amount para makapagsimula ng panibagong buhay ang bata.

Doon na lumabas ang balitang meron nang pinanghahawakang katibayan ang kampo ni Coco na hindi raw nito tunay na anak ang bagets.

Iyon pala ay nakuhanan nila ang bata ng laway na nilagay sa cotton buds para mapa-DNA ito nang magkaalaman na kung anak ba niya ito o hindi.

Kasi nga raw, mismong ina ni Katherine ang nagsumbong daw kay Coco na after nilang maghiwalay ni Katherine that time ay may ibang mga lalaking pumasok sa buhay ng sexy actress.

At dito na nga nagsunud-sunod ang pagbubuntis ng sexy actress na magkakaiba ang ama. Kung pagbabasahin  ang kuwento between the lines, ginawa ito ng ina ni Katherine – ang ipagkanulo ang sarili nitong anak, para lamang makakuha ng pera kay Coco.

Iyan ang basa namin at hindi naman siya nabigo. In hindsight, nakabuti naman ito in a way both para kina Coco at sa bata. Lumabas kasi sa DNA test na hindi anak ni Coco ang itinuturong supling nila ni Katherine.

Kumbaga, habang mas maaga ay mabubura na sa isipan ng lahat na merong napapabayaang responsibilidad si Coco sa buhay – ang pagiging ama nga ng isang batang naghihirap samantalang napapabalitang tumutulong si Coco sa ibang mga bata na hindi naman niya kaanu-ano.

Pero sa usapang tao, nakakaloka ang ina ni Katherine – typical mothers sa mga pelikulang napapanood natin dati na nakakayang ipagkanulo ang sariling anak kumita lamang.

At ang latest na sinasabi raw ng nanay ng aktres na paubos na raw ang ibinigay na pera ni Coco para sa bata kasi nga raw, merong namba-blackmail sa kaniya.

Parang gusto niyang sabihin that she had to pay whoever that guy is a lofty sum para hindi sila pangunahan sa naganap na pagkikita nina Coco at bata. Parang malaking kaechosan nga naman ito ng ina ni Katherine.

Bakit hindi na lang niya sabihing nagastos na niya ang pera, di ba? Kailangan na naman bang manggamit ng ibang tao para lamang mapagtakpan ang sariling kagagahan?

In fairness naman daw sa bata, she is taking everything positively. Pag may nagtatanong sa kaniya lately kung tatay nga ba niya si Coco, siya na raw mismo ang nagtatanggi.

Pero hindi raw bitter ang bata. Kaya kung meron mang mabuting naidulot ng pagkanulo ni Chato Eson sa mismong anak na si Katherine ay ito na iyon. Kami naman, nag-isip nang malalim.

Noon pa pala duda si Coco kay Katherine – duda pala siya na siya ang ama ng bata, bakit pinatagal pa niya? Kungsabagay, wala pa naman siyang pera that time kaya maaaring it was really hard for him to find out the truth.

Magkano ba ang magpa-DNA? Mahal iyon, ha. There so much betrayal sa kanilang lahat dito – sa lahat ng participants ng bodabil na ito, from Katherine to Coco to Chato and everyone – except for the kid na inosente sa katotohanan – kawawa ang bata in a way dahil pinaniwala siya ng pamilya niyang anak siya ni Coco Martin.

Pero mabuti na rin yung ganoon at habang maaga ay makakapagbagong-buhay pa ang bata. But what a mom in Chato, di ba? Do you like her to be your mom? Ako? HINDI!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending