Jimmy Bondoc sa pagsasara ng ABS-CBN: Ipinagdarasal ko pa rin ang mga apektado  | Bandera

Jimmy Bondoc sa pagsasara ng ABS-CBN: Ipinagdarasal ko pa rin ang mga apektado 

- May 06, 2020 - 09:40 AM

JIMMY BONDOC

KUNG may isang celebrity na talagang excited noon sa pagsasara ng ABS-CBN, yan ay walang iba kundi ang OPM artist na si Jimmy Bondoc.

Kung matatandaan, nag-post pa siya ng napakahabang mensahe sa Facebook last year kung saan inisa-isa niya ang kanyang punto kung bakit dapat bigyan ng leksyon ang Kapamilya Network.

Aniya, “This company is a snake pit, where success is based on politics and sexual favors.

“Ayaw natin may mawalan ng trabaho. Hindi yan mangyayari kung susunod ang mga network sa BASIC RULES and LAWS. They can show GOOD FAITH by: paying debts, complying with labor laws, changing their harmful internal culture, DEPOLITICIZING THE NEWS, and more,” matapang na pahayag ng singer ilang buwan na ang nakararaan.

At nito ngang nag-shutdown na ang ABS-CBN, nag-post muli sa  Facebook si Jimmy na mat titulong “CLOSURE.” Narito ang ilang bahagi ng kanyang mensahe.

“Naranasan niyo na ba ang masiraan sa buong bayan / mundo?

“Naranasan niyo na siguro ang masiraan. Yung may kaibigan kayo na sinisiraan pala kayo sa likod niyo. Pero madali ang solusyon sa ganyan. Wag mo pansinin, at sana, subukan mo lang makausap ang mga nakausap niya, para mapaliwanag ang side mo. Pag puro kasinungalingan ang sinabi niya, at least may laban ka. Mas maniniwala pa rin sila sa yo. At least, masa-salba mo ang dangal mo.

“Sa mga trabaho niyo, may ganyan din siguro. Masakit yan pag matuklasan mo na may mga kumakalaban pala sa yo, patalikod. Pero… may laban ka pa rin dyan. Remain innocent, work hard, and prove them all wrong. Mamaya-maya, makikita na ng mga tao na totoong tao ka. 

“Pero, ang hindi pa siguro nararanasan ng marami sa inyo, ay yung MALAWAKAN at PROPESYONAL na paninira sa inyo. Marahil, hindi niyo pa nadama yung may hinala ka pa lang na may maninira na sa yo… pero sa isang iglap, nasa lahat ng pahayagan ka at tabloid, nasa TV na naka-freeze ang mukha mo na nakabukas ang bibig mo, na may tsismis na bakla ka daw, o lasenggo, o kung anupaman.

“Hindi mo malaman kung saan magsisimula bumangon. Susubukan mo maghanap ng kakilala ‘sa loob.’ Pero kahit yung kakilala mo, ang sagot sa yo, ‘Wala akong magawa, pre. Mukhang may order sa yo…’

“Tatanungin mo sya, ‘Pare, bakit pati ikaw, bumabanat sa akin?? Ikaw ang nag shoot ng interview ko a!’ Pero ang sagot  nya, ‘Hindi naman ako ang nag-edit nun e! Oo, ako ang nag-shoot sa yo! Pero… Hindi ko naman alam na ganun nila ie-edit e!’

“Literal mong makikita na dumidilim ang mundo. Para kang hindi makahinga, at akala mo talaga, tapos na ang lahat.

“Ilang araw ang lilipas, at makikita mong ang solusyon lamang ay magbayad sa PR campaign, ngunit ang halaga nito ay hindi mo naman ma-afford dahil simpleng tao ka lang na maliit lang ang kinikita, dahil ‘pinili mo ang puso higit sa pera.’

“Gusto mo mang maging matibay, nanghihina ka kapag nakita mo ang nanay mo, naluluha na para sa yo. Yung Tatay mo, lumalabas ng gate para kausapin ‘man to man’ ang mga reporter na lubayan ka na lang. Tapos, aakapin ka.

“Hindi ko sinasabi na sa akin nangyari ito ha. Baka Oo. Baka hindi.

Nagke-kwento lang ako. Ang masasabi ko lang ay: true story ito. 

At hindi ito nag-iisa.

“Kailanman, hindi tayo dapat gumanti. Ipinagdadasal ko pa rin ang mga apektado sa mga kasalukuyang kaganapan. At sa totoo lang, palagay ko ay di magtatagal, magbubukas ulit ang palasyo ng higante.

“Ang panalangin ko lang talaga ay pagbabago. Sa sarili ko. At sa higante. Lahat tayo, hindi perpekto. At may kasalanan.

“Pero naniniwala akong BUONG-BUO na ang Diyos ay punung-puno ng pagpapatawad. 

“Lahat ng sugat ay naghihilom. Pero kailangan, gamutin natin ang sarili. 

Bago natin sisihin ang sumugat sa atin, tingnan din natin ang ating mga nasugatan. Lalo na kung malawakan.

“Madami sila, mga habambuhay nang sinugatan at isinantabi, trinabaho, propesyonal na pinaslang. 

“Bihira ang may nagbabagong higante, dahil bihira masaktan ang higante. Ang pagbabago pa naman ay madalas resulta ng sakit. Because pain is humbling. 

Maganda rin siguro paminsan-minsang masaktan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maniwala man kayo o hindi, hindi ako masaya. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay magdasal at humingi ng tawad para sa mga sarili kong pagkukulang. At sana, maturuan ko ang sarili ko na magpatawad. Yung tunay na pagpapatawad. At kumalimot.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending