TAHASANG sinabi ngayong araw ni Pampanga Governor Dennis Pineda na fake news ang post sa Facebook na nagsasabing positibo siya sa Covid-19.
Ginawa ni Pineda ang paglilinaw makaraang kumalat ang post ng isang Jane Fernandez, na sinabing tatlong linggo nang naka-confine ang gobernador sa The Medical City (TMC) at nahawahan na rin umano ang kanyang misis.
“I am strong. I do not have any ailments, and I work at the Capitol until night,” giit ni Pineda.
Ito ang dahilan, ani Fernandez, na Isa umanong taga-TMC, kung kaya hindi nakikita ng publiko ang alkalde.
Kinumpirma naman ni Evelyn Yumul, marketing at sales director of TMC Clark, ang sinabi ni Pineda at nilinaw rin niya na hindi empleyado ng TMC si Fernandez.
Idinagdag ni Yumul na hindi polisiya ng ospital na ianunsyo ang pangalan at sakit ng mga pasyente nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.