Albay at Zamboanga City inirekomenda na isama sa ECQ
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Albay at Zamboanga City.
“Sa kahuli-hulihan pagpupulong po ng IATF, nagkaroon po ng rekumendasyon na isama ang Probinsiya ng Albay at ang Zamboanga City sa mga lugar na mananatili sa ECQ. Noong huling meeting din po ay pinayagan po ang gobernador ng Albay na ilagay sa ECQ ang siyudad ng Legazpi,” sabi ni Roque.
Kabilang sa mga lugar na nasa ECQ ang National Capital Region; Region III, maliban sa Aurora; Region IV-A (CALABARZON); Pangasinan; Benguet; Iloilo City; Cebu City; Bacolod City at Davao City. Umabot na sa 9,233 ang mga kaso ng corona virus (COVID-19).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.