Jinggoy binigyan ng 'stern warning' ng PNP | Bandera

Jinggoy binigyan ng ‘stern warning’ ng PNP

John Roson - May 04, 2020 - 12:55 PM

PINAGSABIHAN lang si dating Sen. Jinggoy Estrada matapos damputin sa San Juan City para sa di awtorisadong pamimigay ng relief goods, ayon sa National Police, Lunes.

“Binigyan na lamang ng stern warning si dating Sen. Jinggoy Estrada na makipag-ugnayan sa local government unit kung ito’y mamamahagi ng pagkain at sumunod lagi sa panuntunan ng social distancing na ipinapatupad sa ilalim ng enhanced community quarantine,” ani PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.

“Walang kaso na isinampa ang PNP laban sa kanya. Wala ring inaresto mula sa mga taong tumanggap ng pagkain.”

Dinampot ng mga pulis si Estrada habang namimigay ng bangus sa San Juan, Linggo ng hapon, pero pinalaya rin matapos ang tatlong oras.

Ayon kay Banac, ang naging aksyon kay Estrada ay pagpapakita ng “maximum tolerance, pagkalinga at malasakit.”

Dalawang linggo lang bago ito, nagbabala sina Interior and Local Government Sec. Eduardo Año at PNP chief Gen. Archie Gamboa na di na bibigyan ng “warning” ng pulisya ang mga lalabag sa panuntunan ng ECQ.

Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na lima hanggang anim na araw nang na-monitor ng pulisya si Estrada na namimigay ng bangus, nang walang permiso mula sa lokal na pamahalaan at nalalabag pa umano ang social distancing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending