Mandatory PhilHealth contribution ng OFW tinaasan
KINONDENA ng Gabriela Women’s Party ang Philippine Health Insurance Corp., na ginagawa umanong gatasan ang mga overseas Filipino workers na sinisingil umano ng interes kapag nahuhuli sa pagbabayad ng premium.
Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas na mandatory ang pagiging miyembro ng PhilHealth ng mga OFW at itinaas pa ang premium na dapat bayaran ng mga ito sa tatlong porsyento.
“Filipino workers abroad are already burdened with work adjustments and income losses amid the COVID-19 pandemic. And yet Philhealth still wants to make them its milking cow with its insistence on the hefty 3% premium rate plus interest for missed payments,” ani Brosas.
Ayon sa PhilHealth Circular 2020-014 na inilabas noong Abril 2, itinataas na sa 3 porsyento ng suweldo ang premium rate na babayaran ng mga OFW mula sa 2.75 porsyento na ipinatupad noong 2019.
Ang isang OFW na sumasahod ng P27,000 kada buwan ay kailangan umanong magbayad ng halos P10,000 kada taon.
At ginagawa umano ito ng PhilHealth sa kabila ng pahayag na ahensya na mayroon itong P97 bilyong reserve fund at net income na P11 bilyon noong 2018.
“Bakit gagatasan pa rin ng Philhealth ang mga OFWs sa harap ng pandemya…. It has the audacity to collect and collect when OFWs hardly benefitted from it in the face of COVID-19.”
Maghahain ng resolusyon ang Gabriela upang maimbestigahan umano ito ng Kamara de Representantes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.