Karla Estrada magpapakasal na nga ba sa non-showbiz dyowa? | Bandera

Karla Estrada magpapakasal na nga ba sa non-showbiz dyowa?

Ervin Santiago - May 02, 2020 - 06:03 PM

IKAKASAL na nga ba si Karla Estrada sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jam Ignacio?

Hot topic ngayon sa social media ang mga post ng TV host-actress kung saan inisip ng kanyang mga kaibigan at mga netizens na malapit na itong lumagay sa tahimik.

Sa Instagram story ng nanay ni Daniel Padilla, ibinahagi nito ang litrato ng isang Tiffany couple ring with matching heart emoji. Walang ibang caption na inilagay si Karla sa nasabing post.

Bukod dito, inisip din ng kanyang IG followers na may napili na ring location si Karla para sa kanyang dream wedding sa isa pa niyang post.

  Isang video ng napakagandang beach resort ang ipinost ni Karla na may caption na “Soon” na may blue heart, ring at red heart emoji.

Kung matatandaan, last year ipinakilala ni Karla sa madlang pipol si Jam Ignacio. Nag-guest ang binata sa isang episode ng Magandang Buhay kung saan inamin nga niya na mahal na mahal niya ang nanay ni DJ.

Nu’ng una, sinabi ni Daniel na kinikilatis pa niya ang boyfriend ng ina pero sa huling panayam sa kanya ng media, sinabi nitong ang gusto niya lang ay ang kaligayahan  ng ina lalo na sa lovelife nito.

Kamakailan, present din sa birthday celebration ni DJ sa kanilang bahay ang boyfriend ni Karla base na rin sa mga photo na ipinost ng TV host-actress sa kanyang IG.

Pero sa comment section ng IG post ni Karla, may mga netizens naman ang kinilig dahil ang feeling nila para kina Kathryn at Daniel ang couple ring at wedding location post ng Magandang Buhay host.

Lalo pa’t kamakailan lang ay inamin nina Kath at DJ na beach wedding ang gusto nila sakali mang ikasal na sila at magdesisyon nang bumuo ng sariling pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending