ISANG preso ng Quezon City Police District ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019.
Ang person under police custody ay nahuli noong Marso 10 dahil sa ipinagbabawal na gamot.
Nanganak ang babae noong Abril 18 sa Quirino Memorial Medical Center.
Noong Abril 25 ay lumabas ang resulta ng swab test mula sa Lung Center of the Philippines.
Agad na ipinag-utos ni Kamuning Police Commander, PLTCOL Lucio Simangan Jr., ang isolation ng PUPC.
Hiniling na ang istasyon na mailipat ang PUPC sa isang health quarantine facility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.