BB Gandanghari kay Robin: Pinababayaan ako, nilaglag ako sa ere | Bandera

BB Gandanghari kay Robin: Pinababayaan ako, nilaglag ako sa ere

Ervin Santiago - May 01, 2020 - 09:28 AM

“HINDI ako nagpapaawa!” 

Yan ang sagot ni BB Gandanghari sa mga nagsasabing masyado siyang nagiging madrama matapos maglabas ng sama ng loob sa kanyang pamilya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Naglabas ng saloobin si BB (dating Rustom Padilla) sa pamamagitan ng Instagram Live at dito nga niya sinabi na wala siyang natatanggap na suporta mula sa pamilya niya rito sa Pilipinas.

Sa Los Angeles, California na naninirahan at nagtatrabaho si BB at aniya, never pa siyang kinumusta ng kanyang mga kapamilya simula nang magkaroon ng health crisis sa buong mundo. 

Mas lalo pang sumama ang kanyang loob nang hindi man lang siya tinawagan o kinontak sa pamamagitan ng social media nang kumalat ang fake news na namatay na siya.

Muling nagsalita si BB tungkol dito nang sumalang uli siya sa Instagram Live at ipinagdiinan nga niya na hindi siya nagdadrama o gumagawa ng eksena para mapag-usapan at hiyain ang kanyang mga kaanak.

“Hindi ako nagsasalita dahil nagpapaawa ako. Ito talaga ang pinagdadaanan ko, that’s why I can’t stop talking about it.

“At ang pinagdadaanan ko ay may kinalaman talaga sa pamilya. Wala akong magagawa, so tamaan na kung sino ang tatamaan, di ba?” simulang pahayag ng kapatid ni Robin Padilla.

Dugtong pa niya, “Ano, mananahimik ako sa pinagdadaanan ko? E, ang problema ko talaga, pamilya.”

Pagpapatuloy pa niya, “O, sige, huwag mo na akong tawagan, baka busy ka, sige na. Huwag mo nang tanungin kung anong nangyari.

“Pero yung hindi niyo ba ako tulungan to also inform people na, ‘Don’t worry, nakausap namin siya.’ Walang ganoon. So, nalilito ako. Parang am I getting it wrong?” himutok pa ng BB.

Nabanggit din niya ang kapatid na si Robin na parang wala na raw pakialam sa kanya, “Halimbawa, si Robin, kung may mangyari sa kanyang ganito (death hoax), naging trending, I will go out of my way and say, ‘Okay, hoax.’ Pero hindi. 

“Pinababayaan ako. Inilalaglag ako sa ere. Yun ang pakiramdam ko,” pahayag pa ng dating aktor.

 “Paano kung totoo? Ito ang naparamdam n’yo sa akin sa lockdown, ‘No amount of lockdown can make us call you. You call us!’

“Hindi ba biglang napaisip na, ‘Oo nga, baka nangyari ito kay BB, tawagan na nga natin.’ Mabuti na nga’t hindi nangyari. Wala ring ganu’n,” lahad pa niya.

 “Yun ang dala-dala ko sa dibdib ko, aside from galit talaga ako sa balitang yun. Galit talaga ako. Walang explanation. Galit ako!” aniya.

Inireklamo rin niya ang Facebook dahil sa mga ganitong fake news, “Kung sinuman ang gumawa nu’n, aba’y nagtagumpay at my expense.

“At ganoon lang sa Facebook, ganoon lang? Kasi sa YouTube, mag-iingat ka, kasi meron talagang protocol. So sa Facebook, ganoon pala?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This is death! Pinatay or namatay! Malisyosong balita! Dapat from their own end, i-take down nila yun. Magrereklamo pa ba ako? Ako pa ba ang mai-stress na kumontak sa kanila at magreklamo?

“Aba, Facebook, marami rin kaming ginagawa para tumawag sa inyo at magreklamo. Aba, ako pa? Yung namatay na ang nagreklamo pa? Take it down!” ang galit na pahayag ni BB Gandanghari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending