Biyahe sa GCQ areas: Bus, jeep, shuttle 50% capacity; TNVS, taxi tig-2 pasahero lang; UV 2 lang kada row | Bandera

Biyahe sa GCQ areas: Bus, jeep, shuttle 50% capacity; TNVS, taxi tig-2 pasahero lang; UV 2 lang kada row

- May 01, 2020 - 11:23 AM

 

INIREKOMENDA ng Department of Transportation sa Inter Agency Task Force ang limitadong biyahe ng mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay DoTr Usec. Artemio Tuazon mananatili namang suspendido ang biyahe ng mga public utility vehicles sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Isinumite na umano ng IATF kay Pangulong Duterte ang rekomendasyong ito.

“There will be a gradual reopening of certain activities in the economy (under GCQ), this will necessitate the gradual opening and operation also of transportation at a reduced capacity and in accordance with the guidelines set by the DoTr and following the protocols by the Department of Health,” ani Tuazon ang virtual briefing ng DoTr.

Ayon kay Tuazon, hindi maaaring bumiyahe ang mga driver at konduktor at hindi pasasakayin ang mga pasahero na walang suot na facemask.

Hihikayatin din ang paggamit ng automatic fare collection system upang malimitahan ang kontak sa pagitan ng pasahero at konduktor o driver. Kung hindi ito maaaring gawin, ang pasahero na magbabayad muna bago umupo.

Hindi pasasakayin sa bus ang isang tao kung mayroon itong lagnat kaya kailangan na mayroong thermal scanner sa mga sakayan. Ang may lagnat ay dadalhin din sa mga health officer sa lugar.

Hinihikayat din ang paglalagay ng footbath sa mga sakayan bukod pa sa pag-disinfect sa mga PUVs kada biyahe. Maglalagay din ng transparent na harang sa pagitan ng driver at mga pasahero.

Ang papayagang isakay sa bus, jeepney at shuttle service ay limitado sa 50 porsyento ng kapasidad nito.

Sa mga UV Express dalawang pasahero lamang ang maaaring isakay kada row.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga taxi at TNVS ay may maximum na dalawang pasahero lamang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending