Año: Sports na may 'social distancing' maaari nang laruin sa GCQ | Bandera

Año: Sports na may ‘social distancing’ maaari nang laruin sa GCQ

Frederick Nasiad - April 30, 2020 - 02:14 PM

Kapag natapos na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang lugar sa Pilipinas ay maaari nang magsagawa ng limitadong sports events.

Gayunman, ipatutupad pa rin ang “new normal” tulad ng pagsusuot ng face mask, paggamit ng disinfectant at social distancing sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) rule.

Ito ang sinabi ni Interior secretary Eduardo Año Huwebes ng umaga sa panayam ng DZMM.

“‘Yung mga sports na merong physical distancing naoobserve siya, sa susunod na pag-uusapan namin ‘yan naman tatalakayin namin na pagdating ng GCQ may i-a-allow na tayong sports,” sabi ni Año.

Bagaman magtatapos na ang ECQ sa ibang lugar sa bansa sa Abril 30 ay palalawigin pa ito hanggang Mayo 15 sa Metro Manila, Region 4-a, Region 3, Pangasinan, Benguet, Albay, Catanduanes at Mindoro.

Dagdag pa ni Año, hindi lahat ng sports ay maaari nang laruin sa GCQ. Ang mga sport lamang na wala gaanong “physical contact” sa isa’t isa ang maaaring isagawa tulad ng tennis, badminton, chess at iba pa.

Payo din ng kalihim na panatilihing malusog ang kalusugan at maayos ang pangangatawan ng lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng pag-ehersisyo habang naka-quarantine.

“Siyempre kasama naman yan sa advisory ng Department of Health na exercise para makatulong sa pag-iwas na madapuan ng COVID-19,” aniya.

Sa ilalim ng ECQ ay sarado ang mga gym, fitness studio at sports facilities. Hindi rin pinahihintulutan ang pagsagawa ng sports-related mass gathering.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending