Aicelle Santos, Mark Zambrano kuntento na sa ‘quarantine honeymoon’
KUNTENTO na sa “quarantine honeymoon” ang mag-asawang Aicelle Santos at Mark Zambrano.
Lilipad sana patungong Japan ang dalawa para sa kanilang honeymoon pero hindi na nga ito matutuloy dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.
Ikinasal sina Mark at Aicelle noong November, 2019 pero hindi sila agad nakapag-honeymoon dahil pareho pa silang busy sa kani-kanilang career.
Pero para kay Aicelle, hindi naman siya masyadong affected sa pagkaka-postpone ng kanilang honeymoon, ang mahalaga magkasama sila ng asawa ngayong may lockdown.
“Mas nakikilala namin ang isa’t isa kasi mula naman nu’ng kinasal kami at tumira sa iisang bubong, busy pa rin kami pareho.
“May trabaho kami, so hindi rin kami nakakapag-spend ng time together. Ito ‘yung aming ‘pseudo honeymoon,’” ani Aicelle.
Dagdag pa ng Kapuso singer, mas marami raw silang oras na gawin ang mga newlywed couple activities gaya ng paghuhugas ng pinggan, pagluluto at maging paglalaro ng computer games.
“Wala na muna kaming iniisip na pagre-rebook (patungong Japan) kasi hindi natin alam kung ano bang mangyayari after nito. Siguro safety muna, magandang dito muna tayo sa kani-kanilang mga bahay,” sabi pa ni Aicelle.
Kasama ni Aicelle as judge sa singing competition for kids na Centerstage hosted by Asia’s Multimedia Star Alden Richards sina Concert Queen Pops Fernandez at musical director Mel Villena.
Natigil din ang taping ng Centerstage dahil sa lockdown ngunit sa pamamagitan ng internet, maaari pa ring mag-audition ang mga batang may talent sa pagkanta. Check n’yo lang ang website at official social media accounts ng GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.