Deportasyon ng Pinoy caregiver na kritiko ni Duterte nasa kamay ng Taiwan at China–Roque
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinauubaya na ng Pilipinas sa Taiwan at China ang desisyon kung idedeport ang Pinoy caregiver na naunang bumatikos kay Pangulong Duterte.
“Well, we leave the Filipino caregiver to the jurisdiction of Taiwanese authorities, because deportation is really a decision to be made by Taiwanese authorities – which forms part of China,” sabi ni Roque sa panayam sa ANC.
Tahasang sinabi rin ni Roque na bahagi ang Taiwan ng China, sa kabila ng pagkontra mismo rito ng Taiwanese government.
“We leave that wholly to the jurisdiction of Taiwan and China. Taiwan is part of China, we respect that decision and of course in the same way that we will enforce our law on all foreigner while they are under our jurisdiction,” dagdag ni Roque.
Nanindigan naman ang Taiwan na wala itong balak ipadeport ang caregiver na si Elanel Ordidor.
Nagpost si Ordidor sa kanyang Facebook kung saan binanatan niya si Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.