QC ipinaatras kaso vs pinagpapalong vendor
IPINABABAWI ng Quezon City government ang kasong isinampa ng Task Force Disiplina sa isang vendor ng isda na pinagpapalo dahil sa paglabag sa Enhanced Community Quarantine.
Nagpalabas din ang City Legal Department ng Show Cause Orders laban sa mga tauhan ng Task Force na humuli sa vendor na si Michael sa South Triangle.
Pumunta na ang mga imbestigador at abugado ng city hall sa South Triangle upang mangalap ng ebidensya.
Inirekomenda naman ni dating Coun. Rannie Ludovica, hepe ng Task Force, ang suspensyon ng mga kasama sa operasyon ng pagpapaluin si Michael.
Si Michael ay ipinasok sa Quezon City Drug Treatment and Rehabilitation Center (TAHANAN) sa Barangay Payatas matapos itong magpositibo sa drug test.
“While the release of Michael is being processed, the City will see to it that his rights as a detainee are rightfully observed and all his basic needs are properly addressed. Quezon City considers the human rights of its citizens as paramount, and any violations thereof will not be allowed or tolerated,” saad ng pahayag ng city government.
Sinabi ng city government na hindi pinapayagan ang paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng ECQ.
“This City assures all residents that while it strictly applies the law at all times and strongly advises the public towards strict compliance, it remains sensitive in the same degree on equally important issues which have emanated from this unfortunate incident. Human Rights violations will be fairly and swiftly dealt with, while the problem of drug use is continuously being approached in a humane and caring manner.”
Nag-viral ang video ni Michael na napapasigaw sa sakit habang pinapalo ng tauhan ng Task Force. Binuhat siya upang maisakay sa sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.