Kathryn: Ang swerte-swerte ko kay DJ! He's the best boyfriend!  | Bandera

Kathryn: Ang swerte-swerte ko kay DJ! He’s the best boyfriend! 

Ervin Santiago - April 29, 2020 - 07:22 PM

KathNiel

THE best boyfriend! Ganyan kung ilarawan ni Kathryn Bernardo ang kanyang ka-loveteam sa harap at likod ng camera na si Daniel Padilla.

Napakaswerte raw niya sa pagkakaroon ng dyowa tulad ni DJ kaya nagpapasalamat siya sa Diyos dahil ang binata ang ibinigay sa kanya para maging partner in life.

“Alam n’yo ang suwerte-suwerte namin sa isa’t isa pero feeling ko ang suwerte ko kay DJ kasi I couldn’t ask for a better partner kasi ‘yung kung paano siya.

“Oh my God! Kapag na-witness n’yo kung paano si DJ na boyfriend. Kaya sinasabi ng iba, mayroon pa bang ibang Daniel kasi yan ‘yung dapat tularan kasi grabe ‘yung sinet niyang standards.

“Kasi ‘yung respeto na unang sinabi niya, nandoon ‘yung respeto, nandoon ‘yung pagmamahal, nandoon ‘yung loyalty, nandoon ‘yung suporta. So, he’s the best. I swear he is the best!” tuluy-tuloy na pahayag ni Kathryn nang mag-guest sila ni DJ sa Magandang Buhay kaninang umaga.

Nang dahil sa enhanced community quarantine, mas naging strong pa raw ang kanilang relasyon.

“’Yun ang pinakana-test dito. ‘Yung pagkakamusta sa pamilya ko, kung paano naman ako sa side niya. Tapos palagi niya akong tinatanong kung naka-lock ba ang pinto n’yo.

“Double check mo, baba ka, ganyan. ‘Yung little things na pagtse-check at mini-make sure kung ang kailangan namin dito,” dagdag pang chika ni Kathryn.

Napag-usapan din sa kanilang guesting ang tungkol sa pagkakaroon nila ng tampuhan. Paano nila ito inaayos. 

Ani Kathryn, “Depende sa sitwasyon. Kung small fights lang, kung kaya naman ayusin, pag-usapan na natin.

“May mga sitwasyon na yung partner mo, kailangan ng time para magpalamig before mag-usap ulit. Depende talaga. Basta importante, pareho kayong okay na emotionally and mentally,” sabi pa ng tinaguriang Queen of Hearts.

Pagpapatuloy pa niya, “Kasi mabigat sa dibdib pag alam mong may samaan kayo ng loob. Ang hirap magtrabaho, ang hirap makipag-usap sa iba. So, ayusin na lang.”

Sumang-ayon din si Kath sa sinabi ni DJ na “give and take” ang isa sa sikreto ng kanilang relasyon, “Kailangan niyo lagi mag-meet halfway.

“Kailangan intindihin kung saan nanggagaling yung isa, tapos iintindihin ka rin niya. So, yun ang nagwo-work sa amin parati. Always compromise. Kung anong gusto ng isa, okay, pero ito rin gusto ko,” pahayag pa ng dalaga.

Marami rin daw silang pinagdaanang challenge ni Daniel, pero sulit naman ang pakikipaglaban nila para sa kanilang relasyon.

“Kasi may kasama ka sa lahat. Kapag mag-isa mo gagawin lahat, puwede naman, nagwo-work sa ibang single.

“Pero iba pag may isang tao ka na sini-share mo yun lahat—yung mga small wins mo, yung mga gusto mo gawin or yung achievements niyo together. Iba kapag meron kang kasalo sa kasiyahan na yun,” lahad ni Kath.

“Hindi lang sa sucess together, but also, more imporantly, kapag sa lowest point ng tao na yun na importante sa iyo, dapat dun mo mas lalo ipa-feel na hindi siya mag-isa du’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, yun ang maganda kapag meron kang boyfriend or ka-partner, kasi may sasalo sa iyo anytime,” sey pa ng Box-office Queen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending