IPINAGPALIBAN ng Supreme Court ang pagdaraos ng susunod na bar examination.
Sa inilabas na Bar Bulletin no. 11 series of 2020, sinabi ng SC na ikinonsidera sa pagpapaliban ang coronavirus disease 2019 gayundin ang social at economic disruption na naidulot nito.
“This is to give the Court ample time to determine the necessary adjustments and to make adequate preparations for the safe and orderly conduct of the examinations,” saad ng bulletin.
Ang susunod na bar exam ay iaanunsyo umano ng SC sa Hunyo 2020, “when the current adjustment to the present pandemic becomes clearer. It shall definitely be held sometime in 2021”.
Bilang tugon naman sa panukala na gawing regionalize ang pagsasagawa ng eksaminasyon, ang susunod na bar exam ay gagawin sa Maynila at Cebu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.