Daniel kay Kathryn: Naospital ako dahil sa selos, torture pag magkaaway kami | Bandera

Daniel kay Kathryn: Naospital ako dahil sa selos, torture pag magkaaway kami

Ervin Santiago - April 29, 2020 - 06:18 PM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

NAGPIYESTA ang KathNiel fans kaninang umaga nang sabay na humarap sa madlang pipol sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Nangyari ito sa episode ng Magandang Buhay kung saan napag-usapan ang tungkol sa kanilang relasyon. Turning eight years na ang KathNiel at going strong pa rin until now.

Bukod sa kanilang mga future plans, binalikan din ng King & Queen if Hearts ang panahon nu’ng nagsisimula pa lang silang bumuo ng sariling mundo bilang magkarelasyon.

“Nakakatawang balikan ‘yung eksena ko dati noong nanliligaw pa ako kay Kathryn. Kung paano ako magka-anxiety attack dahil sa pagseselos sa kanya, ‘yung mga ganoon. Anxiety talaga ‘yon. Hindi ba, Bal?” pahayag ni DJ.

Sagot ni Kath, “Swear, totoo. Naggaganyan siya.” 

Pagpapatuloy ni Daniel, “Naoospital po ako noon dahil sa pagseselos parang tanga lang. So, bumabalik ‘yon na parang grabe, ‘yung mga pinagdaanan namin ni Kathryn kasi hindi naman lagi masaya. 

“Minsan may eksena kami tapos sobrang magkaaway kami. Napakahirap ng ganu’n, wala ka sa tamang wisyo kapag mainit ang ulo mo tapos nandoon ka lang. Kasi kapag nagkasabay kami wala talagang mangyayari. 

“After a while kapag lumamig na ‘yung ulo siyempre lagi naming pinipili na maging maayos. Kasi lagi naman na mas gusto namin na okay kaming dalawa. Torture eh, mental torture kapag nag-aaway kami. 

“Nakaka-bad trip ‘yung feeling. Ayaw ko nu’ng ganu’n, parang ‘di ka mapakali. So lagi naming pinipili na magkaayos at laging nandoon ang respeto sa partner. Kasama ‘yung respeto sa partner mo na ayaw mo siyang bastusin. Ako ayaw kong bastusin si Kathryn. Lagi ko siyang tinatrato (nang maayos),” ani Daniel.

Habang tumatagal, natutunan na rin  nilang magbigayan at magpakumbaba kapag nagkakatampuhan.

“Siguro through the years, ‘yun ang natutunan namin sa isa’t isa. Noong bago kami parang untugan kami nang untugan, pataasan kaming dalawa. So through the years, natutunan na namin na kung may hindi kami pagkakaunawaan kung paano siya aayusin, kung paano siya iha-handle nang mas kalmado. 

“Minsan may bagay na dati kapag nasabi niya ‘yon o ginawa niya ‘yon ay ikakagalit mo. Pero ngayon mas kalmado mo na iti-take ‘yung problema na ‘yon at mas maayos na agad. I think respeto ang pinakamagandang ehemplo sa isang relationship talaga,” pahayag pa ng Kapamilya singer-actor.

“Natutunan ko rin kay Kathryn how to level up your relationship. Hindi siya puwedeng plateau, hindi puwede na kung ano ang nakasanayan ay paulit-ulit lang na gagawin. 

“Kasi both parties mabo-bored eh. Kailangan mo magbigay ng effort every time. May ganun siya. Ganun si Kathryn sa akin, hinihila ako lagi pataas,” ani DJ.

Narito naman ang message ni Kathryn kay Daniel, “Sorry una, kasi wala ako sa birthday celebration niya. Thank you sa lahat ng experience and memories together. Mag-e-eight years na tayo next month. At kagaya nang sinabi ko ‘yung saya ko at at excitement ay ganu’n pa rin, hindi nagbabago kasi hindi ka nagsasawa sa akin.

“‘Yung patience mo. Thank you kasi palagi mong pinipili na ayusin lahat at hindi ako iwan. Hindi natin iiwan ang isa’t isa despite everything. Ang dami pa nating gustong gawin together. 

“So asahan mo na nandito ako palagi para i-support ang lahat ng gusto mong gawin at lahat ng plano natin together. 

“Mapa-promise ko na palagi kong pipiliin na ayusin at intindihin ka, at intindihin mo rin ako. Palagi kong susubukan na maging understanding for you. So I’m just here always cheering for you.”

Sey naman ni Daniel, “I’m just very happy na kami ay umabot sa ganito katagal. I’m just very proud of ourselves na eight years na kami ngayon, just very thankful kasi ang dami ni Kathryn na in-improve sa akin, sa sarili ko. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Uulitin ko, ginawa niya akong mas mabuting tao. I am excited sa mga taon pang darating sa atin. Mahaba-haba ba ang adventure nating dalawa at lagi kong pipiliin na makasama ka. That’s it, love,” pakilig pang mensahe ni Daniel sa kanyang girlfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending