Mabilis at maagang paglaya ng mga matatandang preso sisimulan na
IPATUTUPAD na ng Department of Justice sa Mayo 15 ang paraan para maagang makalaya ang mga matatandang preso na nakagawa ng magaang krimen.
Sang-ayon naman si Rizal Rep. Fidel Nograles sa pag-apruba ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa Interim Rules on Parole and Executive Clemency kung sana maaari ng mag-apply ng clemency ang mga edad 65-anyos na preso na nakapagsilbi na ng hindi bababa sa limang taon ng kanilang sintensya.
Bago ito ang maaari lamang makapag-apply ng clemency ay ang mga 70-anyos.
“We welcome the DOJ’s move, which speaks highly of their compassion and reassures us that the ears of our legal authorities are not deaf to our pleas for humanity,” ani Nograles, isang Harvard-trained lawyer.
Pinadali rin ang requirement at ang proseso sa bagong rules.
Sinabi naman ni Nograles na habang hinihintay ang implementasyon ng bagong rules ay maaaring palayain na ang mga low-risk at vulnerable inmates gamit ang lumang rules.
“Sana hindi tayo magpatali sa date ng implementation, otherwise it might be too late. We don’t want a scenario where instead of implementing a preventive measure, we would be dealing with a full-scale disaster instead,” saad ng solon na ang tinutukoy ay ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 sa loob ng piitan.
Hindi naman maaaring mag-apply ng clemency ang mga hinatulan sa heinous crime at may kinalaman sa droga.
“We hope that this is only the first of many other steps the government takes to address the threat of infection in our congested prisons. Dumarami na ang bilang ng COVID-positive sa ating mga selda, kaya kailangan ng agarang aksyon,” dagdag pa ni Nograles.
Tatlong preso na ng Bureau of Corrections ang namatay sa COVID-19. Siyam na preso naman ng Bureau of Jail Management and Penology ang nahawa ng naturang sakit.
“We are confident that our authorities will be efficient in implementing this directive, since based on President Rodrigo Duterte’s latest report, the Bureau of Jail Management and Penology already has an initial list.”
Ayon sa BJMP, 3,384 matatandang nakakulong na edad 60 pataas na nahaharap sa maliliit na kaso, 1,927 na mayroong problema sa kalusugan at 804 na first time law violators ang maaaring mapalaya ng maaga.
Si Nograles ang founder ng Lakbay Hustisya Foundation, isang legal aide trust fund organization na tumutulong sa mga taong may pangangailangan sa legal na usapin.
Ang foundation ay nagbigay ng 25 computer units sa BJMP upang magamit sa electronic dalaw bilang paraan ng pagkikita ng preso at kanilang mahal sa buhay o abugado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.