Liza, Ivana nominado sa 100 Most Beautiful Faces; Roxanne-Ann loveteam 'bawal' sa free TV  | Bandera

Liza, Ivana nominado sa 100 Most Beautiful Faces; Roxanne-Ann loveteam ‘bawal’ sa free TV 

Reggee Bonoan - April 29, 2020 - 05:13 PM

TINATANONG kami ng mga nakapanood ng iWant original series na “Fluid” nina Roxanne Barcelo at Ann Colis kung magkakaroon ito ng season 2 dahil nabitin sila sa kuwento nina George at Mitch.

Natanong na namin si Direk Benedict Mique tungkol dito pero wala pa raw sinasabi sa kanya dahil sa lockdown. Inamin ng direktor na marami ring nagtatanong sa kanya at masaya siya dahil positibo ang reactions ng mga nakapanood sa “Fluid.”

Isa pang tanong din sa amin kung mapapanood ito sa free TV tulad ng “I Am U” nina Julia Barretto at Tony Labrusca. Ang sabi lang sa amin, “Nawala na ‘yung iWant primetime, napalitan na ng teleserye.”

Ang pumalit dito ay ang “Tubig at Langis” nina Zanjoe Marudo, Isabel Daza at Cristine Reyes.

Pakiwari namin, malabong mapanood ang “Fluid” sa free TV dahil sa ilang sensitibong eksena nina Ann at Roxanne, idagdag pa ang mga dialogue nina Ann, Roxanne, Janice de Belen at Joross Gamboa.

Anyway, sa dinami-dami ng mapagpipiliang panoorin sa internet ngayon, mahirap makahanap ng orihinal na palabas na sulit sa oras mo. Pero kung naghahanap ka ng movies at series na hindi mo makikita sa kahit anong video-sharing platform, puwede kang mag-download o pumunta sa website ng iWant, kung saan available ang 57 na orihinal na mga serye at pelikula swak sa mood mo.

Kung gusto mong mabawasan ang pagka-bore sa bahay ngayong quarantine, may action, horror, at thrillers sa iWant na tiyak na gigising sa diwa mo. Nandiyan ang “Bagman” ni Arjo Atayde, “You Have Arrived” nina Elisse Joson at Barbie Imperial at “Kargo” ni Rio Locsin.

Mag-partner na pulis naman sina Yassi Pressman at Sam Milby na iimbestigahan ang misteryosong pagkawala ng isang babae sa “The Tapes.”

 Nakakakabang habulan at taguan din ang mapapanood sa “High” nina Ria Atayde at Markus Paterson, at ang “Mga Mata sa Dilim” nina Derek Ramsay at Jessy Mendiola.

Libreng mapapanood ang mga ito sa iWant (iOs at Android) o bisitahin ang iwant.ph..

* * *

Nominado sina Liza Soberano at Ivana Alawi sa 2020 “The 100 Most Beautiful Faces” list ng TC Candler.

Kasama ng dalawang Kapamilya stars sa listahan sina Lily Collins, Lisa ng BLACKPINK, Selena Gomez, Gal Gadot (Wonder Woman) at Priyanka Chopra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ma-nominate si Liza sa 100 Most Beautiful Faces ng TC Candler, sa katunayan siya pa ang nanguna noong 2017. 

Noong nakaraang taon, si Tzuyu ng Twice ang itinanghal na Most Beautiful Face. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending