Si Sarah ang ‘TOTGA’ ni John Lloyd: Pinagtagpo pero ‘di itinadhana
LUMIKHA ng ingay ang pambubuking ni Bea Alonzo na si Sarah Geronimo-Guidicelli ang “great love” ni John Lloyd Cruz sa isang Instagram Live chat kamakailan.
Alam naman ng lahat na nagkagusto si Lloydie kay Sarah na naging partner niya sa mga pelikulang “A Very Special Love”,
“You Changed My Life”, “It Takes A Man and A Woma” at “Finally Found Someone.”
For the record, crush na ni JLC si Sarah sa unang pagsasama pa lang nila sa pelikula at nagkaroon ng lakas ng loob na manligaw noong ginagawa na nila ang sequel nito. Nagkataon namang nanliligaw that time sa Popstar Royalty si Rayver Cruz.
At dahil matagal nang crush ni Sara si Rayver kaya siya ang sinagot ng singer-actress at umabot sa halos dalawang taon ang kanilang relasyon.
Nasulat kamakailan na si John Lloyd daw ang first love ni Sarah base na rin sa takbo ng mga komento ng mga fans sa IG Live chat.
Pero kinorek kami kahapon ng ilang supporters nina Sarah at Rayver, “Hindi po true, paano magiging first love ni Sarah si Lloydie, e, hindi naman po naging sila? Si Rayver po ang first love ni Sarah.”
Natawa kami sa naging takbo ng usapan nina Bea at Lloydie lalo na nang ibuking na ng aktres na GL nga ng aktor si Sarah na maybahay na ngayon ni Matteo Guidicelli. Sa madaling salita, si Sarah ang TOTGA (the one that got away) ni JLC?
Anyway, masaya na si Sarah ngayon sa piling ni Matteo at si Rayver ay masaya rin sa piling ni Janine Gutierrez.
Ay may pahabol pa pala ang isang netizen, “Maraming fans ni Sarah, galit kay Rayver noon kasi akala namin niloko niya si Sarah, alam na namin ang totoo, hindi pala.”
O, di ba bossing Ervin, ang suwerte-suwerte ni Matteo dahil siya ang nagwagi kay Sarah G.
Pero teka, kumusta na pala ang Guidicelli couple? Kumusta na rin kaya ngayon si Mommy Divine?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.