Ronnie Alonte natatakot para ‪sa 2‬ kapatid na frontliner | Bandera

Ronnie Alonte natatakot para ‪sa 2‬ kapatid na frontliner

Ervin Santiago - April 28, 2020 - 11:09 AM

MAY takot ding nararamdaman si Ronnie Alonte para sa mga kapatid niyang frontliner na nagbubuwis din ng buhay sa pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.

Parehong medical workers ang dalawang kapatid ni Ronnie, ang isa ay bandito sa Pilipinas habang ang isa naman ay nagbibigay serbisyo sa Amerika.

Ayon sa Kapamilya young actor, super proud ang kanilang pamilya sa ginagawang serbisyo at sakripisyo ng kanilang mga kapamilya pero hindi siyempre mawawala ang kaba at pangamba.

“Medyo kinakabahan po kami siyempre dahil nasa ospital. Hindi namin alam kung puwedeng mahawaan siya at kung mahawaan siya, puwedeng maapektuhan ang family ko. 

“Pero sa kalagayan naman po ngayon ay safe naman po, kasi umuuwi siyang masigla. 

“Pero ang mas kinakaba ko lang po ay ‘yung kapatid ko na nasa Amerika kaysa dito sa Pilipinas,” pahayag ni Ronnie sa panayam ng Magandang Buhay.

Aniya pa, mas doble ang pag-aalala nila para sa kapatid niyang nasa Amerika dahil hindi nila talaga nakikita ang sitwasyon doon.

“Kasi nakikita namin dito si Kuya Nald na maayos, nakangiti kapag uuwi, wala siyang nararamdaman, okay naman. 

“Pero ‘yung kapatid ko sa ibang bansa ay hindi namin alam ang update talaga kung okay ba doon. 

“Baka sinasabi niya lang na okay doon, pero nahihirapan sila. Kasi ubusan ng pagkain doon,” lahad pa ng binata.

Ani Ronnie, sa ngayon ay wala silang ginawa kundi ang magdasal para sa kaligtasan ng kanyang mga kapatid at ng lahat ng bayaning frontliners na nagsasakripisyo para sa proteksyon ng lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending