Jobelle Salvador na-shock sa hospital bill ng kapatid matapos maoperahan | Bandera

Jobelle Salvador na-shock sa hospital bill ng kapatid matapos maoperahan

Reggee Bonoan - April 27, 2020 - 05:42 PM

NAGLUNSAD ng fundraising ang aktres na si Jobelle Salvador na kasalukuyang nasa Amerika ngayon para sa kapatid na si Jonathan Salvador na naka-confine ngayon sa Makati Medical Center.

Dumating sa Pilipinas si Jonathan galing Las Vegas, Nevada, USA para personal na asikasuhin ang mga papeles pero inabutan ng enchanced community quarantine hanggang sa magkasakit.

Naoperahan ang kapatid ni Jobelle sa preceptal cellulitis bukod pa sa pagiging diabetic nito kaya apektado rin ang kanyang paningin.

Umabot sa P300,000 ang bill ni Jonathan at wala siyang perang pambayad kaya hindi siya makalabas ng hospital at walang mahingan ng tulong.

Naisip ni Jobelle na mag-fundraising para sa kapatid, aniya maaaring ipadala sa BDO Savings Account (001430167813) o sa pamamagitan ng Paypal, Zell or Venmo. Ang e-mail address ni Jobell ay [email protected].

Humingi ng kopya ng bill si Jobelle sa Makati Med at nagulat siya na pati pala mga PPE suit, face mask, gloves na ginamit ay sinisingil sa pasyente.

Post ni Jobelle sa kanyang Facebook account nitong Linggo, “Question lang? I just saw my brother’s hospital bill and I was just surprised that the N95 masks, gloves and PPE suits used by the doctors and nurses are being charged to the patient. Is this the norm in hospitals? N95 mask – P427.50 each, Gloves – 307.50 each, PPE suit – 1,650 each, Surgical gown – 3,000?”

Samantala, may update si Jobelle sa kapatid niyang si Jonathan habang sinusulat namin ang balitang ito.

“Just an update, my brother had another procedure yesterday due to seroma. I haven’t spoken with him since. I’m praying that he’s alright. Please pray for my brother’s fast healing and recovery,” mensahe ng aktres.

 

 

                                                          

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending