Nagpapagatas na ina tutulungan ng QC gov't | Bandera

Nagpapagatas na ina tutulungan ng QC gov’t

Leifbilly Begas - April 27, 2020 - 11:57 AM

PINALAWIG ng Quezon City government ang matutulungan ng Kalingang QC at isinama na ang mga nagpapasusong nanay.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte aabot sa 6,000 nanay ang mabibigyan ng tig-P2,000.

Kukunin ang pondo sa P2.8 bilyong supplemental budget na inaprubahan ng konseho.

Dinagdagan ng P600 milyon ang pondo ng Kalingang QC matapos madiskubre ng lungsod na maraming vendor ng dry goods at cellular phone ang wala sa kanilang listahan.

Bukod sa vendor at nagpapasusong nanay, tutulungan din sa Kalingang QC ang mga solo parents, persons with disability (PWD) at senior citizens.

Unang tinulungan ng Kalingang QC ang mga driver ng public utility jeeps, tricycles, pedicabs, taxis, Transport Network Vehicle Service (TNVS), at Asian Utility Vehicles (AUVs).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending