Moratorium sa pagbabayad ng housing loan inihirit | Bandera

Moratorium sa pagbabayad ng housing loan inihirit

Leifbilly Begas - April 24, 2020 - 08:02 PM

DAPAT umanong gawing tatlong buwan ang moratorium sa pagbabayad sa socialized at economic housing loans.

Ayon kay House committee housing and urban development chairman at Cavite Rep. Strike Revilla kung maaari ay lagpas pa sa tatlong buwan ang moratorium.

“Tiyak na karamihan sa maaapektuhan nito ay ang ating mga kababayan na nagbabayad ng buwanang amortisasyon para sa kanilang housing loans,” ani Revilla.

Sumulat si Revilla sa Defeat COVID-19 Committee upang pag-aralan kung maaari na gawing isang taon ang moratorium.

Bukod dito, inirekomenda rin ni Revilla ang pagbibigay ng grace period sa pagbabayad ng mga self employed ng kanilang premium sa Pag-IBIG Fund.

Dapat din umanong magpalabas ng price freeze ang Department of Housing and Urban Development para walang magtaas ng renta pagkatapos ng ECQ. Iminungkahi niya na ang price freeze ay hanggang Disyembre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending