Wala pang desisyon kung kailan magsisimula ng klase--DepEd | Bandera

Wala pang desisyon kung kailan magsisimula ng klase–DepEd

Leifbilly Begas - April 24, 2020 - 07:46 PM

WALA pa umanong pinal na desisyon kung kailan magsisimula ang pasukan, ayon sa Department of Education.

Patuloy na nagsasagawa ng konsultasyon ang DepEd para matukoy ang pinakamagandang solusyon sa problemana resulta ng Enhanced Community Quarantine na idineklara upang hindi kumalat ang coronavirus disease 2019.

Inirekomenda ng Inter Agency Task Force na sa Setyembre buksan ang klase pero hindi pa ito pinal.

Nilinaw ni National Economic and Development Authority acting secretary Karl Chua kanina na wala pang desisyon.

“Ang gusto po iparating ng DepEd ay magprepresent sila sa IATF ng kanilang recommendation para sumunod tayo sa batas….. Hintayin na lang natin ang DepEd para magpresent at yung IATF and magsasabi kung policy na,” ani Chua.

Mayroon batas na nagsasabi na ang pasukan ay maaaring magsimula ng Hunyo hanggang Agosto. At kakailanganin ng batas na magbabago nito kung gagawing Setyembre ang simula ng klase.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending