Pasukan posibleng ilipat sa Setyembre sa mga lugar na nasa GCQ

INIREKOMENDA ng Inter-Agency Task Force kay Pangulong Duterte na ilipat ang pagbubukas ng pasukan sa Septyembre sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine dahil sa coronavirus disease.

Sa bagong guidelines na isinumite ng IATF, ilang lugar ay inilipat ang status mula sa Enhanced Community Quarantine sa GCQ. Sa ilalim ng GCQ, pinagaan ng bahagya ang mga restrictions.

Binasa naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga rekomendasyon ng IATF kasama na roon ang pagbubukas ng paaralan sa Setyembre.

“Iyong option po sa low-risk to moderate areas na buksan by industry consider for 100 percent closure maski po low to moderate risk consider for 100 percent closure pa rin dahil po ang mga transmitters ay kabataan mula edad 0 to 20: lahat ng eskwelahan, i-consider po ang late opening sa Setyembre except po sa online learning.” ani Roque.

Ang mga lugar na nasa GCQ ay ang Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Davao del Sur, Davao Oriental, Sultan Kudarat, Lanao del Sur, Apayao, Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Ilocos Sur, Batanes, Quirino, Aurora, Palawan, Romblon, Camarines Norte, Sorsogon, Masbate, Guimaras, Bohol, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Camiguin, Davao Occidental, Sarangani, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Basilan at Sulu.

Sinabi naman ni National Economic Development Authority (NEDA) acting Secretary Karl Chua na hindi pa pinal ito at may sapat pang panahon para pag-aralan ang rekomendasyon ng IATF.

Nauna ng inanunsyo ng Department of Education na pinag-aaralan nito ang paglipat ng klase sa Agosto.

Read more...