Neil Arce kay Angel: I declare protection over you in Jesus name! 

NATUPAD na ni Angel Locsin ang kanyang wish hindi pa man sumasapit ang kanyang 35th birthday.

Ayon sa kanyang film producer fiancé na si Neil Arce, masayang-masaya si Angel ngayon dahil napakarami niyang natulungan sa panahon ng health crisis.

Halos isang taon na ang nakalipas mula nang mag-propose si Neil sa kanyang girlfriend at ngayong taon nga naka-schedule ang kanilang kasal.

Inamin ni Angel na nahinto pansamantala ang preparasyon nila ni Neil para sa kanilang wedding dahil nga natuon ang panahon nila sa relief mission mula nang ipatupad ang lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

At para kahit paano’y mapasaya ang kanyang fianceé, naghanda ng surprise birthday salubong ang movie producer-businessman para kay Angel katuwang ang ama ng aktres.

Binigyan din nina Neil si Angel nga dalawang Darna-themed cake na talagang ipinagawa pa niya para sorpresahin ang kanyang future wife.

“Happy birthday my Love! I know this year you celebrated The way you truly want to celebrate your birthday, by helping people for Over a month straight now. 

“I’ll be with you every step of The way! I declare protection Over you In Jesus name! I Love you gorgeous,” ang mensahe ni Neil para sa real life Darna ngayon ng madlang pipol dahil sa kanyang tuloy-tuloy na pagtulong sa mga nawalan ng trabaho at frontliners.

Bukod sa pamimigay ng relief goods, tagumpay din ang  #UniTENTweStandPH fundraiser  nina Angel na layong makapagbigay ng additional tent facilities sa mga ospital para sa medical frontliners.

Nakalikom ng mahigit P10.9 million in cash donations ang grupo nina Angel at Neil para sa nasabing fundraising campaign. 

Read more...