Pinoy celebs nag-aalala na para sa ‘pangkabuhayan showcase’ dahil sa lockdown 

TULAD ng mga ordinaryong Pinoy, nag-aalala rin ang ilang celebrities sa kanilang pangkabuhayan showcase ngayong na-extend na naman ang enhanced community quarantine sa bansa.

Kanina, in-announce na ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatagal pa hanggang May 15 ang ang ECQ sa Metro Manila at iba pang probinsya sa Luzon.

Dahil dito, mas marami pang Pinoy ang nabahala para sa kanilang buhay, lalo na yung mga wala nang maipangtustos sa kanilang pamilya matapos mawalan ng trabaho dulot ng lockdown.

Sa mga artistang stay at home pa rin hanggang ngayon, inamin ng Kapuso couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring na isang matinding challenge talaga ang health crisis na kinakaharap ng bansa ngayon.

“Ako individually, I go through a lot of worries. Siyempre, inevitable na ‘yun.

“Kahit na hindi ako mismo ‘yung nahihirapan, this isn’t something that we’re prepared for na kahit ilang beses natin itong pag-usapan, mahirap pa rin talaga kapag pinagdadaanan,” pahayag ni Juancho sa panayam ng GMA 7.

At dahil natigil nga ang lahat ng trabaho ngayon sa entertainment industry, inaalala ng Kapuso actor-TV host ang kanilang finances lalo na ngayong may sarili na siyang pamilya.

“Me, personally, working in the entertainment business, ‘di ba parang mahirap ma-foresee kung paano babalik ang normal na tapings o normal na events after this quarantine.

“’Tsaka siyempre dahil nga depleted ang tapings at events siyempre magwo-worry rin kami kahit papaano sa finances namin in the future now that we’re married. Not that mahihirapan kami or nahihirapan na kami as of now. But, siyempre, we’re looking into the future.

“I believe that alam naman natin lahat na it’s something that we cannot control and all we can do is have faith and ibahin muna ang perspective mo.

“Hindi lang naman kasi tayo, hindi lang naman kami ang nahihirapan. Maraming tao sa buong mundo ang nahihirapan as well,” mahaba pang pahayag ng Unang Hirit segment host.

Ayon naman sa asawa ni Juancho na si Joyce Pring, “the struggle is real” ngayong panahon ng krisis.

“Siguro lahat naman ng tao makakarelate na this has been a struggle for everyone siguro iba-iba lang ang levels ng struggle.

“I think ‘yung feeling ng anxiety didn’t come in the first two weeks? ‘Di ba para siyang dumating ng mga third o fourth week na.

“Feeling ko nag-settle down ‘yung height of everything where everyone was kind of busy nanonood tayo lahat ng news. By the third or fourth week, you kind of settle in the house and you realize na this is the new ‘norm’ that people are experiencing you know?” aniya pa.

Pagpapatuloy ng TV host, “It has been such a blessing na meron kaming God na kinakapitan at siyempre kasal na kami. So we have each other to help us out.

“Siguro ang pinakamahirap is just seeing other people suffer and ‘yung mga may sakit kawawa rin talaga ‘yung mga ganu’n. At siyempre ‘yung mga frontliners na pagod na.

“Pangalawa, ay hindi namin nakikita ‘yung family namin. I think this has to be the longest time that we haven’t had the chance to see our family.

“But then again, I think it is such a blessing that we have the technology and social media. Isipin mo si Juancho lang ang makikita ko for 30 days! Mahirap ‘yun. So I think it’s a blessing still.

“We can still see the brighter side of things even though it’s very dim and I think that’s what’s important. Kasi if you don’t see the brighter side of things and you don’t have hope, mahirap talagang bumangon right now. We need to be resilient,” lahad pa ni Joyce.

Read more...