Hiling ni KC: Patuloy na ipagdasal si Duterte, iba pang lider ng gobyerno
HINILING ni KC Concepcion sa madlang pipol na patuloy na ipagdasal si Pangulong Rodrigo Duterte at lahat ng mga leader sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na pakikipaglaban ng mundo sa COVID-19 pandemic.
Kasabay nito, dasal din ng singer-actress na mapakinggan ng pamahalaan ang mga opinyon at suhestiyon ng bawat Pilipino habang naka-lockdown ang bansa dulot ng health crisis.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni KC ang kanyang mensahe at umaasang sana’y mabasa ito ng mga leader ng bansa.
“So many of us have opinions about how this current crisis should be handled in our country. And I’ve been praying for our voices, as Filipinos, to be heard by our leaders,” lahad ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.
Ayon pa sa dalaga, nang dahil sa COVID-19 ay muling napatunayan na buhay na buhay pa rin ang bayanihan system sa mga Pinoy.
“Nakakatuwa lang isipin na sa ganitong paraan, nakikita natin kung paano tayo pwedeng magtulungan sa panahong ito.
“Ang dami ding NGO, LGU at essential workers na walang pagod na kumikilos at buong pusong humaharap sa pagsubok na ito,” aniya pa.
Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabi ni KC na laging kasama sa dasal niya ang mga leaders sa buong mundo na gumagawa ng mga desisyon para sa kaligtasan ng lahat at alam niyang hindi ito madali.
“Let’s continue praying for our leaders in the Philippines, and leaders all over the world, who need to make tough decisions during this time. We’re in this together, world. xx, K,” pahayag pa ng dalaga.
Isa rin si KC sa mga maituturing na bayaning artista ngayong panahon ng krisis dahil kahit naka-stay at home ay tuloy-tuloy din ang kanyang pagtulong sa mga naapektuhan ng lockdown, lalo na sa mga frontliners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.