Jak, Sanya parang tao kung tratuhin ang 10 alagang aso
MAGKASAMA sa isang tirahan ang magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto.
Sampung aso ang kasama nila, tiglilimang alaga ang magkapatid, puro may lahi ang kanilang mga alaga.
Hindi pa namin nakikita nang personal si Sanya ay gustung-gusto na namin siya. Simple ang kanyang ganda, dalagang-Pilipina ang dating, madali siyang kagaanan ng loob.
Hanggang sa naging guest namin siya sa “Take It, Per Minute… Me Ganu’n,” hindi kami nagkamali ng paghusga sa dalaga sa malayuan, napakaganda nga pala ni Sanya Lopez.
No boyfriend since birth pala si Sanya, sa ganda niyang ‘yun at kaseksihan ay hindi pa siya nagkakaroon ng karelasyon, nakapagtataka pero pinatutunayan ‘yun ng malalapit sa kanya.
Maaga niyang natutuhan ang pahalagahan ang mga biyayang dumarating sa kanyang buhay at career, naniniwala siyang isang araw ay darating din ang lalaking magmamahal sa kanya, hindi raw siya nagmamadali.
Isang patotoo kung gaano kaganda ang puso ng magkapatid ay ang pag-aalaga at pagmamahal nila sa kanilang mga alagang aso.
Palagi kaming naniniwala sa kasabihan na kung kaya nating magmahal ng mga hayop ay mas kaya nating magbigay ng pagmamahal sa ating kapwa.
Nakatutuwa ang napanood naming video ng magkapatid habang pinaliliguan at inaalagaan ang kanilang mga alaga. ‘Yung isang asong karga-karga ni Sanya, isang English bulldog, ay kamukhang-kamukha pa nga ng mga alaga naming sina Bailey at Molly.
Parang tao kung tratuhin nina Sanya at Jak ang kanilang mga alaga, kaligayahan na nila ang mga sumasalubong na aso sa kanilang pagdating mula sa trabaho, totoo ang kanilang sinabi na nakatatanggal ‘yun ng stress.
Naisip lang namin, hindi gawang biro ang pag-aalaga ng mga imported na aso, malaking gastos ‘yun. Sampu pa naman ang kanilang alaga.
Sa dog food na lang ay malaki na ang kanilang konsumo, may mga injection pa sila tuwing ikaanim na buwan, at may good grooming pa na kasinghalaga na nga ng pagpapa-parlor.
Mapusong tao lang ang makapag-aalaga ng mga hayop, para mabigyan nina Sanya at Jak ng pagmamahal ang kanilang mga alaga ay kitang-kitang mababait sila, masuwerte nga si Barbie Forteza sa binatang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.