Enchong personal na dinala kay VP Leni ang donasyon para sa frontliners | Bandera

Enchong personal na dinala kay VP Leni ang donasyon para sa frontliners

Ervin Santiago - April 21, 2020 - 08:05 PM

NAGULAT si Vice President Leni Robredo nang bigla na lang sumulpot ang isang Kapamilya actor sa kanyang opisina para ihatid ang donasyon para sa COVID-19 frontliners.

Dumiretso sa Office of the Vice President si Enchong Dee upang personal na iabot ang mga nalikom nilang medical supplies mula sa isinagawa nilang fundraising campaign.

Ayon kay Enchong, bukod sa medical supplies para sa healthcare workers, nagdala rin siya ng food packs para ipamahagi sa mga tinutulungan ng grupo nina VP Leni.

“From the friends and fans of @ria and I. A little something for the protection of our Frontliners. 

“We decided to forward our fund raising efforts to the OVP since they have access to more hospitals. Sa lahat ng tumulong Maraming Salamat,” caption ng aktor sa litratong ipinost niya sa Instagram.

Sa kanyang Facebook account naman, ibinalita ng Bise Presidente ang pagbibigay ng donasyon ni Enchong na ibabahagi sa mga ospital.

“Biglang nag-appear sa office ngayong hapon, mag-isa. May dalang mga PPEs para sa frontliners at pagkain para sa volunteers. Mabuhay ka, Enchong Dee,” ani VP Leni.

Puro papuri at positive comments naman ang natanggap ni Enchong mula sa netizens. At sana raw ay patuloy pa ring tumulong ang aktor kay VP Leni para mas marami pa silang mapasayang Pinoy lalo na yung hirap na hirap na sa buhay dahil sa lockdown. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending