Pinoy experts nakagawa ng COVID test kits sa UK
KASAMA ang isang Filipina microbiologist sa grupo na gumawa ng SAMBA II SARS-CoV-2 Test kit sa Cambridge University sa United Kingdom.
Ayon sa University of Los Baños ang microbiologist-virologist na si Dr. Lourdes M. Nadala ay dating namuno sa Philippine National Collection of Microorganisms (PNCM) sa UPLB National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (BIOTECH).
“Sharing of locally generated information was key in expediting the development of the diagnostic test for SARS-CoV-2 detection,” ani Nadala.
Malaki umano ang naitulong ng mga local research sa SARS-CoV-2 target sequences upang mabuo ang test kits.
Kasama ni Nadala sa kanyang team sina UPLB alumni Dr. Cesar Nadala, Chato So, at Jason So. Nagawa nila ang SAMBA II SARS-CoV-2 Test sa loob ng anim na linggo.
Ang SAMBA II ay isang fully automated molecular test na tumutukoy kung ang isang pasyente ay mayroong SARS-CoV-2 sa loob ng 90 minuto.
Kayang matukoy ng test kung ang isang pasyente ay mayroong COVID-19 bago pa man ito magkaroon ng sintomas.
Malaki ang maitutulong ng test kit na ito upang mabilis na matukoy at mailayo sa iba ang isang nahawa ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.