Opisyal sa Taguig condo residents: Di kayo exempted sa batas
KINASTIGO ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang mga residente at administrador ng mga condominium at sinabihan na sumunod sa umiiral na enhanced community quarantine o kuwestiyunin ang batas sa korte kung ayaw nila.
Sa mensahe na ipinost sa Facebook, iginiit ni Mayor Lino Cayetano na ang mga “common spaces” sa compound ng condominium ay kailangang nakasarado habang umiiral ang enhanced community quarantine.
“We have to follow the guidelines of enhanced community quarantine. Common spaces should remain closed,” aniya.
“If you want to challenge this rule of the city of Taguig that is based on the interagency task force and is now affirmed by various agencies after the issue came out, then you can challenge us in court,” dagdag ng opisyal.
Matatandaang inakusahan ng ilang residente ang mga pulis na nag-trespass sa Pacific Plaza Towers sa Bonifacio Global City at pinagsisigawan ang mga nakatambay sa pool na pumasok ng kani-kanilang mga unit.
Iniimbestigahan na ang insidente, ani Cayetano.
“An investigation will take place if the PNP officer did anything wrong and we are waiting in statements, he will be held accountable. But I also ask that citizens who commit a crime or who do not follow the ECQ will also be held accountable,” dagdag niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.