KULONG ang barangay kagawad na nahuling nakikipag-inuman sa dalawang kapitbahay sa Jaen, Nueva Ecija kahit pa may umiiral na liquor ban sa gitna ng quarantine sa Luzon.
Kinilala ang mga nadakip na sina Brgy. Sto. Tomas kagawad Florencio Cajucom Jr., 36; magsasakang si Antonio Collado, 48; at 50-anyos na si Ferdinand Cullado.
Tumanggi pa umanong sumama sa pulis ng tatlo, na nasakote alas-3 ng hapon ngayong araw, ani Maj. Erwin Ferry, municipal police chief.
Napag-alaman na sumugod sa barangay ang mga pulis base sa reklamo ng mga residente ukol sa mga paglabag sa lockdown protocol ng nasabing opisyal ng barangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.