Pokwang galit na galit sa mga magnanakaw sa socmed: Gusto kong makausap may-ari ng FB!
“PINAGKAKAPERAHAN niya ang pamilya ko, grabe sya!!!”
Nanggagalaiti ang Kapamilya comedienne na si Pokwang nang malaman ang panloloko ng isang Facebook page na gumagamit sa pangalan niya at ng kanyang pamilya.
Dahil dito, gusto na raw talaga niyang makausap nang personal kay Mark Zuckerberg, ang co-founder at chairman ng Facebook, para ireklamo ang talamak na panggagamit at pamemeke sa FB.
Tweet ng komedyana, “Kahit magdugo ilong ko gusto ko makausap ang May ari ng @Facebook na si mr @MarkZuc21770276 at sabihin ko sa kanya mga ideas ko para matigil na pang gagamit sa mga kilalang indibidual!”
Bago ito, nakarating kay Pokwang na may isang pekeng Facebook account na lantarang gumagamit sa pangalan niya. Ginamit din ng poser ang mga litrato ng kanyang pamilya sa nasabing FB page na may mahigit kalahating milyong followers na.
Ipinost ni Pokey sa kanyang official social media account ang screenshot ng fake account at nilagyan ng caption na, “ALERT!!! Hindi po ako ito paki report NYO Lang po kasi pinagkakaperahan nya ang pamilya ko grabe sya!!!
“Nananawagan po ako sa lahat ng nag follow sa Pokwang FB page paki unfollow at paki report kasi hindi po ako yan impostor!!” bwisit na bwisit pang pahayag ni Pokwang.
Pagpapatuloy pa niya, “Tanong, pwede ba idemanda ng isang kilalang indibidual kagaya halimbawa ng artista ang pamumuan ng Facebook dahil sa mga fake accnt na ginagamit ang name nila at tumatanggap ng Adsense mula sa FB?
“Dba dapat I confirm muna ng FB kung ikaw nga iyon or impostor? tanong lang nman,” aniya pa.
Ang hindi pa matanggap ni Pokwang, pati ang mga photos at video nila at ginagamit ng pekeng account nang walang paalam at pati ang anak niya ay nadadamay na rin.
“Kawawa kming mga nagagamit paramagka PERA sila lalo na mga anak namin na walang malay, mga videos na ninanakaw nila sa min mga artista, binabayaran namin ang bawat videos tapos sila ni singkong duling walang ginastos at nagkakapera pa!!!” masama pa ang loob na pahayag ni Pokwang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.