BANTAY-SARADO na ngayon ng mga tauhan ng Special Action Forice (SAF) ang Blumentritt Market sa Maynila.
Lulan ng armored multi-purpose vehicle ang mga miyembro ng SAF nang dumating sa palengke para magmando sa pagpapatupad ng social distancing sa mga namamalengke kaninang umaga.
Titiyakin ng mga tauhan ng SAF na naipatutupad ang social distancing sa pagpasok ng mga tao sa palengke.
Mahigpit ding ipinatutupad ang no- quarantine pass, no-entry policy sa palengke habang lahat ng pumapasok ay kinuhanan ng temperatura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.