660 eskuwelahan ginagamit na COVID quarantine facility
UMABOT na sa 660 eskuwelahan ang ginagamit na temporary quarantine sites para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.
Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa kanyang weekly report sa Kongreso.
“Currently, there are 660 schools in various locations already approved by the DepEd to be used by LGUs for COVID-19 related concerns such as isolation areas, quarantine areas, and other authorized purposes,” saad ng report.
Ang paggamit sa mga eskuwelahan ay dapat na pinakahuling opsyon na gamiting quarantine facility.
Mayroon pang 300 aplikasyon sa Department of Education para magamit ang mga paaralan.
Limang state universities and colleges naman ang ginagamit ng temporary quarantine facility. Siyam na iba pa ang ikinokonsidera na gamitin din.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.