WANTED kay Mayor Rex Gatchalian ang ilang mga bikers na lumabag sa enhanced community quarantine sa syudad ng Valenzuela.
Sa isang post sa Twitter, pinapahanap na ngayon ni Gatchalian ang mga nag-post sa Facebook na sila ay nag-bike.
Alam n'yo ba na bawal ang magbike at mag-jogging sa pampublikong lugar habang ipinatutupad ang ECQ? This is blatant disregard of the ECQ and unnecessary loitering. pic.twitter.com/5HQfXxAGSM
— Valenzuela City (@valenzuelacity) April 20, 2020
“Etong mga pasaway na matitigas na ulo na eto nakausap ko na…we will update you on the punishment.”
Etong mga pasaway na matitigas na ulo na eto nakausap ko na…we will update you on the punishment. https://t.co/L34p8PbCN7
— Rex (@rex_gatchalian) April 20, 2020
Ani Gatchalian, 5PM ngayong araw dapat ay sumurender na ang mga ito dala ang kanilang mga bike kung saan ito ay ilolock sa cityhall hanggang matapos ang ECQ. Ang mga susukong riders ay mag-rerepack ng mga relief goods bilang parusa.
Kala nila hindi natin sila mahahanap.
They will surrender their expensive racer bikes by 5pm today. We will lock it here sa alert till after ecq. The riders will all work sa repacking for as long as it takes till matapos ang repacking! pic.twitter.com/JrnxISslsx— Rex (@rex_gatchalian) April 20, 2020
Sarap nga siraiin mga bikes nitong mga eto kung hindi lang labag sa batas.
— Rex (@rex_gatchalian) April 20, 2020
Sa isang video naman na inilabas ng official Valenzuela City Twitter page, mapapanood na pinagsasabihan ni Mayor Rex ang isang binatilyong pinaniniwalaang isa sa mga lumabag sa ECQ kasama ang nanay nito at isang pulis.
“Hindi ako nagbibiro. Anong penalty sa ganya? Blatant disregard of ECQ? Kulong yan ‘diba?” maririnig na sinabi niya.
Aniya, empowered na ang mga pulis na arestuhin siya.
Ayon din kay Gatchalian, kilala na nila kung sino-sino ang iba pang pasaway at kapag hindi sila sumuko ay aarestuhin sila at ikukulong.
We already have their identities…etong isa na pinadala ko dito kumanta sino sino sila. If they do not comply by 5pm today and surrender their bikes i will see to it the police arrests them and throws them into jail. pic.twitter.com/a8PfIBdEzC
— Rex (@rex_gatchalian) April 20, 2020
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.