Kai Sotto target ng NBA G League | Bandera

Kai Sotto target ng NBA G League

- , April 24, 2020 - 09:29 AM

KAI Sotto

PATULOY ang pagkuha ng NBA G League ng mga mahuhusay na batang basketball players at pinalakas pa nito ang hangarin ni Kai Sotto na matupad ang pangarap na makapasok sa National Basketball Association (NBA).

Matapos na makuha ang future NBA superstar na si Fil-Am guard Jalen Green, kinontak na rin ng G League ang ilang mga prep stars kabilang na si Sotto ayon sa ulat mula sa Forbes.com.

Asam ng 7-foot-2 center na si Sotto na maging kauna-unahang full-blooded at homegrown Filipino cager na nakapaglaro sa NBA at kasalukuyang nasa Estados Unidos siya para hasain ang kanyang basketball skills sa The Skill Factory sa Atlanta.

Ayon sa Forbes, nakipag-ugnayan na ang G League sa kampo ni Sotto.

Ang inisyatibo ng G League ay nagbibigay din ng pagkakataon sa mga batang manlalaro na makapasok sa NBA Draft maliban pa sa makakuha ng mataas na suweldo at maipakita ang kanilang husay sa paglalaro na hindi na kailangang dumaan sa kolehiyo.

Nasikwat ng G League si Green mula sa mga top US collegiate programs tulad ng Kentucky, Memphis, Oregon at Auburn sa pagbubukas ng pagkakakitaan para sa rising star na tinatayang aabot sa $500,000 kada buwan. Nabanggit din ng ESPN na posibleng pumirma si Green ng seven-figure sneaker deal. Ang mga nasabing benepisyo ay hindi naman pinapayagan sa mga US NCAA players.

At hindi titigil ang G League sa pagkuha ng isang star player lamang.

“They will add more names. The NBA wanted this to be a viable option, but they had to raise the stakes and the investment in the high school athletes. They did that with Green, and it paid off,” sabi ni Evan Daniels, na national scouting director para sa 247Sports.com.

Maliban kay Sotto, puntirya rin ng G League na papirmahin sina 6-foot-9 Texas forward Greg Brown, 6-foot-11 big man Makur Maker, pinsan ni Detroit Pistons center Thon Maker, at 6-foot-7 wing Che Evans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending