Tom kumasa sa make-up challenge ni Carla; pwede nang rumaket pag walang project
PAGKATAPOS mag-drawing at mag-sketch para sa successful fundraiser niyang “Guhit Pantawid: Portraits for a Cause”, ang mukha naman ni Carla Abellana ang kanyang “pipintahan.”
Lahat ng nag-donate sa “Guhit Pantawid” ay ginawan ng Kapuso hunk ng sketch bilang pasalamat sa kanilang pagtulong na ang makikinabang ay ang mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown tulad ng mga PUV driver at street vendor.
At nitong nakaraang araw nga ay kumasa naman si Tom sa hamon ng mga fans and social media followers nila ni Carla sa “Boyfriend Does his Girlfriend glam makeup challenge.”
Sa bagong vlog entry ng TomCar sa YouTube, game na game na nagpa-make-up si Carla sa kanyang boyfriend. Ang tanong makapasa kaya sa test si Tom?
Matagal nang nagre-request ang TomCar fans na gumawa ng “Boyfriend Does his Girlfriend glam makeup challenge” tulad ng ilang showbiz couples kaya naman habang naka-lockdown pa rin ang bansa dulot ng COVID-19 crisis, kinarir na ito ng magdyowa.
Sa YouTube channel ni Tom ipinost ang part 1 ng challenge at ayon kay Carla mas exciting ito dahil talagang on the spot siyang inayusan ng boyfriend at hindi na nakapag-practice.
“Hindi siya nakapag-prepare. Sa totoo lang hindi siya nag-research, hindi siya nanood ng tutorial videos.
“Wala siyang research, wala siyang inaral on the spot lahat ito. Challenge talaga yan for him na walang preparation, walang pag-aaral whatsover,” chika ni Carla.
Mukhang may future naman sa pagme-make up si Tom dahil kahit hindi pa niya tapos ayusan ang girlfriend base sa part 1 ng video ay makikita na ang bonggang make-up ni Carla.
Comment nga ng ilang netizens, kapag walang project ang aktor ay pwede na siyang i-hire ni Carla bilang make-up artist.
At siyempre, marami ring kinilig sa video ng Kapuso couple na nagsabi pang sana’y makatagpo rin sila ng BF na tulad ni Tom. Yun na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.