Hamon ni Vivian Velez sa mga pasaway na Pinoy: Matira-matibay na lang!  | Bandera

Hamon ni Vivian Velez sa mga pasaway na Pinoy: Matira-matibay na lang! 

Ervin Santiago - April 18, 2020 - 08:20 PM

“MATIRA matibay na lang!” 

Ito ang pagbabanta ng veteran actress na si Vivian Velez sa lahat ng mga pasaway na lumalabag sa enhanced community quarantine protocol.

Gigil na gigil na ang award-winning actress sa mga Pinoy na patuloy pa ring lumalabas na kanilang mga bahay sa kabila ng mga babala ng pamahalaan dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Vivian ang ilang litrato ng mga lugar kung saan dinededma lang ng mga residente ang ECQ, social distancing at stay at home policy ng gobyerno.

Kaya naman ang hamon niya, tanggalin na lang ang ECQ at isara ang mga ospital para hindi maubos ang mga health workers na nagpapakahirap at nagbubuwis ng buhay para sa mga COVID-19 patients.

“If we cannot control these kind of crowds, might as well lift the ECQ. Close the hospitals for Covid 19 cases para di maubos doctors and health workers natin. 

“Matira matibay nalang. Tutal marami ang hindi sumusunod sa ECQ,” dismayadong pahayag ni Vivian.

Dagdag pa ng aktres, “As taxpayers, we’re sacrificing our business and freedom, and for what? 

“Para ipamigay ang pera sa mga di marunong sumunod sa batas. Nasaan ang mga dapat magpatupad ng batas?” himutok pa ni Vivian Velez.

Narito ang ilang comments ng netizens sa post ni Vivian Velez.

 “I totally agree, tayong mga tax payers hindi tayo humihingi ng tulong sa government hoping tayo na makabalik sa trabaho to be able support our families but this will only happen kung ma control natin ang pagdami ng covid 19 positive cases pero paano mangyayaring ma control sa dami ng pasaway.”

“Tama. Mam v.. Kakainis. Tayo ngsasakripisyo tapos itong mga matitigas ang ulo karamihan PA Jan yan ang madami natatanggap na ayuda sa government. “

 “Hear! Hear! Ibigay ang hilig ng mga pasaway. Pero Dapat may caveat ang government na GO OUT AT YOUR OWN RISK! NO MEDICAL AND CREMATION EXPENSES WILL BE SHOULDERED BY THE TAXPAYERS OR THE GOVERNMENT!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I don’t want more medical frontliners dying just because of THE ENTITLEMENT OF SO MANY FILIPINOS!”

Nakatakdang matapos sa April 30 ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon na nagsimula pa noong March 17.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending