Pang-aabuso sa bata binabantayan | Bandera

Pang-aabuso sa bata binabantayan

Leifbilly Begas - April 18, 2020 - 02:04 PM

BUKOD sa mga sumusuway sa Enhanced Community Quarantine, dapat din umanong bantayan ang mga online sex traffickers na bumibiktima sa mga menor de edad.

Ito ang sinabi ni Justice Undersecretary-in-Charge of the Inter-Agency Council Against Trafficking Emmeline Aglipay-Villar matapos maaresto ang mag-live in partner sa Lapu-Lapu City na nag-live stream umano sa kanyang menor de edad na pinsang babae na pinapanood ng isang dayuhan na nasa ibang bansa.

Naaresto ng PNP-Women and Children Protection Center – Visayas Field Unit ang 25-anyos na si Jade at ang kanyang live-in partner na parehong hindi inilabas ang pagkakakilanlan upang maproteksyunan ang biktima.

Ang dalawa ay hinuli noong Abril 6 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Christine Muga-Abad ng Lapu-Lapu City Regional Trial Court Branch 70.

Si Jade ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act, Anti-Child Abuse Law at Anti-Child Pornography Act. Ang kanyang live-in partner ay nahaharap naman sa kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law.

“We are facing a highly likely scenario of unscrupulous traffickers taking advantage of the situation. Vulnerable children are confined in their homes and there’s increased offending activity from online child sex offenders abroad as already observed by foreign law enforcement agencies,” ani Villar.

Ni-livestream umano ni Jade ang kanyang underage na pinsan kapalit ng bayad ng isang sex offender na nasa ibang bansa. Ang biktima ay inabuso rin umano ng mister ni Jade.

Paulit-ulit umano ang naging paggamit sa bata mula 2016 hanggang 2018. Nagsimula ito noong siya ay 11-anyos. Siya ay nailigtas noong Hulyo 31, 2019.

Nag-ugat ang imbestigasyon sa ulat na ipinadala ng US Federal Bureau of Investigation sa Philippine Internet Crimes Against Children Center noong Marso 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending