Sylvia Sanchez: Salamat sa Diyos, nakauwi na rin ako | Bandera

Sylvia Sanchez: Salamat sa Diyos, nakauwi na rin ako

Ervin Santiago - April 16, 2020 - 04:50 PM

“SALAMAT sa Diyos!” 

Iyan ang masayang-masayang pahayag ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez nang makauwi na sa kanilang tahanan.

Ilang araw ding na-confine sa ospital ang nanay nina Arjo at Ria Atayde matapos mag-positibo sa COVID-19, pati na ang asawang si Art Atayde.

Nag-post si Sylvia sa Facebook ng kanyang litrato at ibinahagi nga sa kanyang followers na sa wakas at nakabalik na siya sa kanilang bahay matapos mag-negatibo ang confirmatory COVID-19 test na ginawa sa kanya.

Makikita sa Facebook post ng aktres ang kanyang selfie sa loob ng kanyang bedroom na may caption na, “Salamat sa Diyos! Nakauwi na po ako matapos mag-negative sa COVID-19.”

Pero aniya, naiwan pa sa ospital ang mister niyang si Art habang hinihintay ang resulta ng isa pang round ng COVID tests na ginawa sa kanya.

“Ang asawa ko po ay kailangan pang manatili ng 2-3 araw sa ospital para sa isa pang test. Maraming, maraming salamat sa inyong mga dasal!” pahayag pa ni Ibyang.

Umani naman ng libu-libong likes ang FB post ng aktres kasabay ng pagbati at pasasalamat sa Diyos dahil napagtagumpayan nga niyang labanan ang killer virus.

Bago pa makalabas ng ospital, nagpasalamat na si Sylvia sa lahat ng frontline workers na nag-alaga sa kanya habang nagpapagalingn

“Our heartfelt gratitude to these two doctors and the rest of their team for guiding me and my husband as we continue to fight COVID.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“With their help and with all your love and prayers, we are definitely on the road to recovery,” sabi pa ni Ibyang.

Siya ang ikatlong artista sa bansa na masasabing COVID-19 survivor. Una nang gumaling sa virus sina Chistopher de Leon at Iza Calzado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending