Marian nag-bake ng cake, gumawa ng ice cream para sa 1st b-day ni Ziggy
PERSONALIZED birthday cake ang ginawa ni Marian Rivera para sa first birthday celebration ng bunsong anak nila ni Dingdong Dantes na si Jose Sixto III o Ziggy.
Ngayong araw ang unang kaarawan ng bata pero the night before ay nag-bake na si Yanyan ng cake at ipinakita pa niya ito sa kanyang Instagram story.
Bukod nga sa pag-aalaga sa kanyang pamilya habang naka-quarantine sa bahay, isa rin sa pinagkakaabalahan ni Marian ang pagluluto ng masasarap na putahe para sa kanyang mga mahal sa buhay.
Iba’t ibang ulam at masasarap na desserts ang kanyang inihahanda para sa asawang si Dingdong at mga anak na sina Zia at Ziggy.
At ang next nga niyang ibinahagi sa netizens ay ang pagbe-bake ng cake para sa 1st birthday ni Ziggy. Ipinakita niya sa kanyang followers kung paano niya ibe-bake ang cake gamit ang mga available ingredients sa kanyang bahay.
Bukod sa cake, gagawan din niya ng homemade ice cream ang bunsong anak.
Talagang sinusulit ng aktres ang kanyang bonding time kasama ang pamilya habang patuloy na pinapatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon.
Sa totoo lang, sa nangyaring lockdown, lumabas ang pagiging magaling na cook/chef ng misis ni Dong at iba pa niyang talents.
Siya talaga ang naging tagaluto ng ipinamimigay nilang food ng asawa sa mga frontliners na walang takot na nakikipaglaban sa COVID-19.
Bukod dito, naging hair stylist din siya ni Dong, huh! Approved naman kay Big Boss ang bago niyang hairstyle.
Sa Instagram stories ng mag-asawa, makikita ang new look ni Dingdong at very proud ito sa ginawa ng kanyang misis.
Anyway, happy, happy first birthday, Ziggy Dantes!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.