Relasyon nina Jak Roberto at Barbie Forteza nagsimula sa ‘spicy ramen’
HINDING-HINDI malilimutan ni Jak Roberto ang first date nila ng kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.
Napakalaking bahagi raw ng “spicy ramen” sa kanilang relasyon dahil dito raw talaga nagsimula kung tutuusin ang “maanghang” nilang pagmamahalan.
Isang “mukbang” at Q&A session ang mapapanood sa latest vlog ni Jak kasama si Barbie.
Habang kumakain ng spicy noodles, natanong ng isang fan kung mahilig daw ba sila sa ramen. Dahil dito, ikinuwento nga ng Kapuso hunk na noong first date nila ni Barbie, sa isang ramen house sila lumafang.
“Actually, ako ‘yung nag-introduce sa kaniya nu’ng ramen noong first date namin,” kuwento ng tinaguriang Pambansang Abs dahil sa kanyang pinaghirapang 6-pack abs at muscled hunky body.
“So nu’ng first date namin, date na ba ‘yon? ‘Di namin inamin, niyaya ko lang siya manood ng movie, tapos sinabi ko na may masarap na ramen, mag-lunch tayo doon, in-introduce ko sa kanya,” aniya pa.
Dagdag pa ni Jak, “Sabi ko papa-try ko sa kanya ‘yung ramen na ‘yon, tapos after nu’n, nagustuhan na niya. Kasi may level of spicy ‘eh.
“Sabi ko ‘Barbs maanghang na ‘yung level three niyan. Sabi niya, ‘Hindi, mahilig ako sa maanghang ‘eh, baka mabitin ako sa anghang.’ Tapos ginawang level four.”
Pagkatapos daw noon, naging paborito na nila ang kumain sa mga ramen house. Parang hindi na raw kumpleto ang kanilang bonding moment kung hindi sila nakakakain sa ramen house.
In fairness, going strong pa rin ang relasyon ng Kapuso couple at siyempre, ang wish ng JakBie fans sa simbahan na rin ang tuloy ng kanilang love story.
Samantala, muling napapanood sina Jak at Barbie sa romantic comedy series na Meant To Be gabi-gabi sa GMA Telebabad habang pahinga muna ang primetime series ni Barbie at ni Kate Valdez na Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.