'Mga pasaway sa Maynila malaking kahihiyan sa liderato ni Yorme' | Bandera

‘Mga pasaway sa Maynila malaking kahihiyan sa liderato ni Yorme’

Cristy Fermin - April 15, 2020 - 12:19 PM

RAMDAM na ramdam namin ang sobrang pagpipigil ng emosyon ni Mayor Isko Moreno dahil sa napakarami niyang pasaway na nasasakupan.

    Hindi naman nagkukulang ang DOH at ang LGU sa pagpapayo na bawal lumabas ng bahay ngayon para makaiwas tayo sa salot. 

Kailangan ding sundin ang social distancing, hindi maaaring magtabi-tabi ang maraming tao sa isang lugar lang, napakalinaw naman ng anunsiyo.

    Kailangang may distansiya, dapat sundin ang payo ng mga doktor, pero ano ang ginagawa ng mga pasaway na nasasakupan ng aktor-pulitiko?

    Sa isang barangay sa Maynila ay nakunan ang sangkaterbang nanonood ng paboksing, may dalawang kabataang naglalaban, habang nagpapalakpakan naman ang mga nanonood.

    Lantarang katigasan ng ulo ang ginawa ng mga nasasakupan ni Mayor Isko, kaya ganu’n na lang ang kanyang galit, malaking kahihiyan din ‘yun para sa kanya bilang tagapamuno na hindi naman pinakikinggan ng kanyang mga kasiyudad.

    Meron pa ngang nagtutupada sa ibang barangay naman, nakahubad pa ang mga tumataya at humahawak ng mga pinagsasabong na manok, talagang napakalaking sampal para kay Mayor Isko ang mga maling ginagawa ng mga Manilenyong matitigas ang ulo.

    Ewan nga ba kung bakit may mga taong hindi na nga nakatutulong ay nagiging pabigat pa sa kanilang mga komunidad.

    Susunod na lang sila, wala naman silang ibang gagawin kundi ang makinig para sa kanilang kaligtasan din naman, pero nagiging mga pasaway pa.

    Dahil sa pangyayari ay pinagbawalan nang lumabas ng bahay ang mga taga-barangay mula gabi hanggang umaga. Matindi ang curfew, bantay-sarado talaga sila, sinumang magwala-kumontra ay sa piitan ang bagsak.

    Galing din sa kahirapan si Mayor Isko Moreno, nu’ng kanyang kabataan ay marami rin siyang aktibidad sa Tondo na hindi kagandahan, pero marunong siyang sumunod sa mga ordinansang pinaiiral sa kanilang lugar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending