NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Samar kanina.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:07 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 14 kilometro sa silangan ng bayan ng Basey at may lalim na 99 kilometro.
Nagbabala ang Phivolcs ng mga aftershock sa pagyanig na ito.
Naramdaman ang Intensity IV sa Basey at Sta. Rita, Samar; at Tacloban City.
Intensity III naman sa Catbalogan City, Samar; Barugo, Palo, at Pastrana, Leyte; at Lawaan, Eastern Samar.
Intensity II naman sa Abuyog, Capoocan, Carigara, Dagami, Dulag, Jaro, Javier, at Tabontabon, Leyte; Borongan City, General MacArthur at Maydolong, Eastern Samar.
Naitala naman ng mga instrumento ng Phivolcs ang Intensity IV sa Palo, Leyte at Intensity III sa Borongan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.